WASHINGTON (AP) – Nag-aapura ang mga siyentista na masimulan ang mga unang human safety test ng dalawang experimental vaccine kontra Ebola, pero hindi madaling patunayan na magiging mabisa ang bakuna at ang iba pang potensiyal na lunas sa nakamamatay na sakit.
Walang partikular na gamot o bakuna sa Ebola, isang lubhang pambihirang sakit na hirap ding makahanap ng mamumuhunan. Ngunit ang kasalukuyan at nakaaalarmang outbreak sa West Africa—ang pinakamatindi sa kasaysayan—ay nagbunsod ng mga bagong pagpupursige upang mapabilis ang paglikha sa bakuna at gamot laban sa Ebola.