Nahaharap sa kasong estafa, other forms of swindling, falsification of public documents at posibleng disbarment ang isang konsehal matapos magsampa ng criminal complaint ang asawa ng isang Hapon sa City Prosecutor’s Office sa Malolos City.

Kinilala ang konsehal na si Christian Peter “Toots” Bautista ng Liang, Malolos na diumano’y naglustay ng P3.2-milllion kasama ang isang nagngangalang Leonita Cruz sa dapat sana’y pambayad sa biniling bahay at lupa ng mag-asawang Hapon.

Ayon sa reklamo ni Teresita Hirakawa ng 102 Hipolito St., Bgy. Caingin, Malolos, noong April 2009, habang nagtatrabaho sa Japan, ay bigla siyang napauwi kasama ang kanyang asawa dahil sa pinapaalis sa kanilang tirahan ang kanyang ina at mga kapatid.

Nagkataon naman na may inaalok noon na bahay at lupa si Cruz na ‘di kalayuan sa kanilang lilisaning tirahan. Nilinaw ni Cruz na ang titulo ng kanyang ari-arian ay nakasanla sa CLS & Sons Global Trading na umaabot umano sa P700,000.00

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nagkasundo ang magkabilang panig sa halagang P3.2M upang bilhin ang lupa at bahay. Ito ay babayaran ni Hirakawa ng halagang P1M bilang paunang bayad na gagamiting pantubos sa titulo, ayon sa pangako nina Bautista at Cruz. Ang balanseng P2.2M ay babayaran ng 34 post-dated checks na may halagang P64,705.88 kada buwan. Ang kasunduan ay napag-usapan, isinagawa at ninotaryuhan sa Law Office ni Bautista. Pagkaraan ay iniabot ni Hirakawa kay Cruz ang P1M at ang 34 tseke ay kay Bautista naman ibinigay.

Noong 2012, matapos mabayaran ang lahat ng napag-usapan, kinamusta ni Hirakawa si Bautista ukol sa titulo sa nabiling bahay at lupa. Sinabi umano ng konsehal na nagsara na ang CLS & Sons Global Trading at hindi mahanap ang bagong opisina nito.

Noong Mayo 2013, sinikap ni Hirakawa na muling makausap si Bautista. Laking gulat na lamang ni Hirakawa na noong June 17, 2014 ay nakatanggap sila ng liham mula sa CLS & Sons Global Trading na naniningil ng mahigit P3M. nagpapahiwatig na hindi binayaran nina Bautista at Cruz ang pagkakasanla ng ari-arian mula pa noong 2009.

Bukod sa kasong panloloko, nahaharap din sa pamemeke ng dokumento at hindi pagbabayad ng tamang buwis sina Bautista at Cruz dahil inilagay nila sa “Deed of Absolute Sale” na ang halagang napagkasunduan ay P1M lamang sa halip na P3.2M.