Ni Samuel P. Medenilla

Hindi sang-ayon ang pinakamalaking labor group sa bansa sa panukalang four-day workweek para sa mga empleyado sa bansa bunsod ng nakaambang krisis sa supply ng kuryente.

Sa isang kalatas, sinabi ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Executive Director Louie Corral na kontra sila sa rekomendasyon ng Department of Energy (DoE) na bawasan ang araw ng trabaho sa apat sa isang linggo upang mabawasan ang power demand.

Binatikos din ni Corral ang panukala ng DoE dahil hindi saklaw ng ahensiya ang usapin sa araw sa workweek at hindi rin ito kinonsulta ang iba’t ibang stakeholder.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

“How dare the DOE now try to impose labor policy. Why will workers sacrificed to answer for the policy failure and lack of forward planning of the Department of Energy?” pahayag ni Corral.

Ayon kay TUCP spokesman Alan Tanjusay, magkakaroon ng negatibong epekto para sa kapakanan ng mga empleyado ang panukalang shortened workweek ng DoE.

“This may mean workers will have no overtime for extra hours of work. It will also be stressful directly affecting the health of workers. For daily wage earners, it would mean one day less of wages,” paliwanag ni Tanjusay.

Hinikayat ni Tanjusay ang gobyerno na magsagawa muna ng konsultasyon sa iba’t ibang sektor upang magkaroon ng mas epektibong solusyon sa krisis sa kuryente.

“This will generate a national response and work towards solutions-- a clear policy on power supply, price and a coherent strategy out of the crisis,” pahayag ni Tanjusay