Ni Orly L. Barcala

Buong tapang na nakipagbarilan sa dalawang lalaki ang isang bagitong pulis makaraang  matiyempuhan nito ang pananambang ng mga suspek sa isang negosyante sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Si PO1 Isagani Manait, nakatalaga sa Police Community Precinct-12 ng Valenzuela Police Station ay hindi umatras sa pakikipagpalitan ng putok sa dalawang suspek.

Kuwento ng pulis, bandang 1:00 ng madaling araw, nakarinig siya ng putok ng baril sa Barangay 165, Bagbaguin, Caloocan City.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kahit hindi niya ito area of responsibility, rumesponde si Manait at natiyempuhan nito ang dalawang lalaki matapos barilin si Ronnie Salamat, 35, negosyante, sa Bagbaguin, Caloocan City.

Binaril si Manait ng isa sa mga suspek hanggang sa gumanti ng putok ang pulis at tinamaan nito ang sakay.

Bagamat determinado umano ang pulis na puruhan ang dalawang salarin, subalit minalas na naubusan na siya  ng bala kaya nakatakas ang  mga suspek.