NI MERCY LEJARDE

LALO pang pinasaya ang Let’s Ask Pilipinas, ang interactive game show ni Ogie Alcasid sa TV5, dahil may bago itong segment na magbibigay saya sa mas marami pang manonood.

Sa bagong segment na “Let’s Ask Barangay” ay susugod sina Jojo Alejar at Empoy sa mga barangay para maghatid ng saya at papremyo sa mga tao.

Tatlong players ang pipiliin nina Jojo A at Empoy para maglaro sa “Let’s Ask Barangay”. Ang mga tanong ay kaparehas din ng nilalaro sa studio at kailangan lang nilang hulaan ang top answer. May P10,000 cash prize mula sa Talk ‘N Text na puwedeng mapanalunan ng contestants na makasasagot ng wasto. Kung lahat ay nakasagot ng tama, hahatiin ang premyo.

National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo

Masaya si Jojo A na kasama uli niya si Ogie sa show. Naging patok kasi sina Jojo at Ogie sa comedy series na Confessions of a Torpe. Isa naman sa mga paboritong kasama ni Ogie sa Tropa Mo Ko Unli si Empoy lalo pa sa segment nilang “Battle of the Brainless.”

Matapos nilang ikutin ang mga barangay sa Makati City, kaabangabang ang sunod na pupuntahan nina Jojo A at Empoy para sa “Let’s Ask Barangay”. Tuluy-tuloy ang saya at papremyo sa Let’s Ask Pilipinas tuwing umaga, mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Face the People sa TV5.