Agosto 2, 1922 nang manalasa sa China ang bagyo na pumatay sa 60,000 katao. tinawag itong “Swatow,” mula sa Swatow (o Shantou), na roon ito nag-landfall. Ang bagyo ay isa sa pinakamapinsala sa kasaysayan.

Lumikha ang bagyo ng storm surge na halos 12 talampakan ang taas at nagdulot ng malakas at ilang araw na ulan at inilubog sa baha ang ilang bahagi ng bansa. Sa Swatow, halos 5,000 ang nasawi.

Ilan sa mga pinakamapinsalang bagyo sa kasaysayan ang hindi napangalanan na nanalasa sa Haiphong, Vietnam noong 1881 na pumatay sa 300,000 katao; bagyong Nina na humagupit sa China at Taiwan noong 1975 at pumatay ng 229,000; at isang hindi pinangalanang bagyo na sumalanta sa China noong 1912 at pumatay sa may 100,000 katao.

National

Makabayan bloc, magpapameeting sa mga naghain ng impeachment complaints laban kay VP Sara