- Probinsya

73-anyos, patay sa sunog sa Dinagat Islands
BUTUAN CITY – Isang 73-anyos na babae ang namatay matapos masunog ang kanilang bahay nitong Martes ng hatinggabi sa Barangay Doña Helen sa Basilisa, Dinagat Islands, iniulat ng pulisya kahapon.Ayon sa paunang ulat sa headquarters ng Police Regional Office (PRO)-13 dito,...

Mga estudyante, target ng jihadist recruitment—Cotabato City mayor
COTABATO CITY – Iginiit ni Cotabato City Mayor Japal Guiani, Jr. na mayroong mga rebeldeng tagasuporta ng international jihadist group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Cotabato at sa mga kalapit na siyudad.“Matagal ko na itong naririnig,” iniulat kahapon ng...

6 na Cebuano, nanguna sa LET
CEBU CITY – Muling bumida ang mga taga-Cebu bilang board topnotchers, makaraang anim na Cebuano ang napabilang sa top 10 ng Licensure Exam for Teachers (LET) noong Setyembre. Sa elementary level, nanguna sina Toni Rose Fabila, Lester Ochea, at Ric Roland Tordillo ng...

Batang kinidnap sa QC, nabawi sa Isabela
CAUAYAN CITY, Isabela - Nailigtas ng pulisya ang isang limang taong gulang na bata na taga-Diliman, Quezon City, matapos itong dukutin ng yaya nitong bading at dalhin sa Isabela.Kinilala ng pulisya ang suspek na si Reynaldo Ampaya, 21, ng San Isidro, Laur, Nueva Ecija, na...

Sinabihang malaki ang tiyan, pumatay
TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Wala nang buhay nang bumagsak sa lupa ang isang magsasaka matapos siyang barilin sa ulo ng kanyang kapitbahay na nasabihan niyang malaki ang tiyan, sa Amulung, Cagayan.Kinilala ang biktimang si Arnel Balinuyos, habang ang suspek ay si Juliano...

Sariling ina, lola, ginilitan ng may topak
SAN ISIDRO, Isabela – Patay ang isang mag-ina matapos silang pagtatagain at gilitan ng kanilang kaanak na pinaniniwalang inatake ng sakit sa pag-iisip sa Barangay Cebu sa bayang ito.Sa impormasyong tinanggap mula kay Supt. Julio Go, tagapagsalita ng Isabela Police...

Sekyu ng pawnshop, umaming kasabwat sa P1-M robbery
DAVAO CITY – Naniniwala ang awtoridad na posibleng may kasabwat ang mga nanloob sa Oro Del Sur pawnshop, at tumangay sa P1-milyon halaga ng alahas, sa Ilustre Street sa siyudad na ito nitong Sabado ng umaga, na empleyado ng establisimyento, partikular na ang security guard...

Misis, pinatay ni mister bago nagbaril sa sarili
CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Pinatay ng isang lalaki ang kanyang maybahay bago siya nagbaril sa sarili sa isang liblib na barangay sa Pilar, Sorsogon, sa unang araw ng Disyembre.Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office...

Agusan del Sur councilor, patay sa riding-in-tandem
BUTUAN CITY – Isang konsehal ng bayan ang binaril at napatay ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa Purok 5, Barangay Poblacion sa Prosperidad, Agusan del Sur, ayon sa report sa police regional command sa siyudad na ito.Kinilala ng pulisya ang biktimang si...

Ina, 2 anak, nalunod sa ilog
KALIBO, Aklan - Isang 35-anyos na ina, kasama ang dalawang menor de edad niyang anak, ang namatay matapos malunod sa ilog sa Barangay Unidos, Nabas, kamakailan.Kinilala ng awtoridad ang mga nasawi na si Joyce Baliguat, at anak niyang sina Prince, 4; at Jodicious, isang taong...