- National
Higit ₱622.8M sa Grand Lotto, walang nanalo: ₱121.8M sa Mega Lotto, 2 tumama -- PCSO
Paghahatian ng dalawang mamanaya ang mahigit ₱121.8 milyong napanalunan sa 6/45 Mega Lotto draw nitong Lunes, dakong 9:00 ng gabi. Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning combination na 09-07-29-28-11-18 ay nahulaan ng dalawang bettor....
AFP, nag-deploy ng 400 sundalo sa Pista ng Itim na Nazareno
Nag-deploy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 400 sundalo upang tumulong sa security operations para sa Pista ng Itim na Nazareno sa Martes, Enero 9. Ito ang kinumpirma ni AFP-Public Affairs head Col. Xerxes Trinidad nitong Lunes, Enero 8, makaraang tiyakin ni...
Paghuli sa mga overloaded truck, paigtingin pa! -- LTO
Iniutos ng Land Transportation Office (LTO) na paigtingin pa ang paghuli sa mga overloaded truck dahil nagdudulot ito ng panganib sa kalsada. Ipinaliwanag ni LTO chief, Vigor Mendoza II, inatasan na nito ang mga regional director ng ahensya upang ipatupad ang naturang...
Gov't, nagtagumpay vs illegal drugs -- Malacañang
Nagtagumpay ang pamahalaan sa kampanya nito laban sa ilegal na droga, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Lunes, Enero 8. Pinagbatayan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang nasamsam ng Philippine National Police (PNP) na mahigit sa ₱10.4 bilyong halaga ng illegal...
₱3.049B para sa rehabilitasyon ng gov't schools, inaprubahan ng DBM
Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng ₱3.049 bilyon para sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga school building sa elementarya at sekondarya sa bansa, ayon sa pahayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman nitong Lunes. Pagdidiin ni...
Junior officer ng PCG na viral sa reckless driving sa SLEX, iniimbestigahan ng PCG, LTO
Pinaiimbestigahan na ang isang junior officer ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa walang ingat na pagmamaneho ng motorsiklo sa South Luzon Expressway (SLEX) kamakailan. Sinabi ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, nahaharap na sa balag ng alanganin ang tauhan...
K-12 program, 'di inalis -- CHED
Itinanggi ng Commission on Higher Education (CHED) na tinanggal na nila ang K-12 program ng pamahalaan. Sa pahayag ni CHED chairman Prospero de Vera III, walang kapangyarihan ang CHED upang tanggalin ang senior high school (SHS) program at nilinaw na pinaalalahanan lamang...
2.6M kilo ng basura, nahakot sa nationwide clean-up drive -- Malacañang
Nasa 2.6 milyong kilo ng basura sa buong bansa ang nahakot ng pamahalaan mula nang ilunsad ang programa nitong Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) kamakailan. Sa social media post ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Lunes, nakolekta...
Destabilization plot vs Marcos admin, itinanggi ni Duterte
Itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga espekulasyon kaugnay sa umano'y secret meeting nito sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) upang pabagsakin ang administrasyong Marcos. "Sinong g***** police at...
House probe vs corruption allegations sa PUV modernization, kasado na!
Kasado na ang imbestigasyon ng isang komite ng Kamara kaugnay sa alegasyong nagkaroon umano ng katiwalian sa implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno. Ito ang kinumpirma ni Antipolo City (2nd District) Rep. Romeo Acop bilang tugon...