BALITA
70 pamilya, nasunugan sa Q.C.
Pansamantalang tumutuloy sa isang covered court sa Quezon City ang may 70 pamilya makaraang masunugan sa Novaliches, nitong Sabado ng madaling-araw. Base sa ulat ni Quezon City Fire Marsha Senior Supt. Jesus P. Fernandez, dakong 3:30 ng umaga nang nagsimulang kumalat ang...
Pinagmulan ng green at blue shabu, tutuntunin ng NBI
Inamin kahapon ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) na nananatili silang blangko sa pinagmulan ng bagong shabu variant na tinawag na “Green and Blue Meth”. Ayon kay Atty. Joel Tovera, pinuno ng Anti-Illegal Drugs Division ng NBI, nakakumpiska ang kanyang...
Pinagsasaksak, hinostage si misis, sugatan sa mga pulis
Kritikal ang kalagayan ng isang mag-live-in partner, maging ng isang bagitong pulis, matapos ang isang hostage drama sa Navotas City, nitong Sabado ng gabi. Ginagamot ngayon sa Tondo Medical Center ang mag-live-in partner na sina Pepeto Rosales, 33, alyas “Pinoy”; at...
Petrasanta, naghain ng piyansa sa graft case
Naglagak na ng piyansa si dating Police Chief Supt. Raul Petrasanta hinggil sa kanyang kinahaharap na kasong katiwalian na may kinalaman sa umano’y maanomalyang pagkuha ng Philippine National Police-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) ng serbisyo ng isang courier...
Magpa-renew ng lisensiya kahit may gun ban—AFAD
Hinikayat ang mga may-ari ng baril na may delinkuwenteng lisensiya na ipa-renew na ito sa Philippine National Police-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) sa Camp Crame, Quezon City, na ngayo’y nagpapatuloy sa kabila ng ipinatutupad na gun ban. Ang panawagan ay buhat sa...
Hubo sa paglalakad dahil bangag sa shabu,natiklo
Arestado ang isang tindero matapos mamataan ng pulisya habang naglalakad nang hubo dahil sa impluwensiya ng shabu, sa Marikina City nitong nakaraang linggo. Dahil walang saplot sa katawan, sinita ng pulisya ang suspek na si Eric Aruelo, 36, tubong Lanao del Norte, sa Daisy...
Lalaki, nasagasaan ng tren, nahati ang katawan
Patay ang isang lalaki matapos masagasaan at makaladkad ng isang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Tondo, Maynila, nitong Sabado. Lumitaw sa imbestigasyon na nangongolekta si Alejandro Marquez, empleyado ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB)-Impounding...
Duterte, Marcos, patok sa overseas Filipino voters
Sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang namayagpag sa overseas absentee voting (OAV) ng mga Pinoy para maging bagong presidente at bise presidente ng bansa. Base sa datos ni inilabas ni Commission on Elections (Comelec)...
Nakawan ng motorsiklo sa Cavite, dumadalas
Isa na namang rider ang nawalan ng motorsiklo matapos itong tangayin ng hindi pa kilalang kalalakihan sa Silang, Cavite, kamakailan. Base sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), nakilala ang may-ari ng motorsiklo na si Glenn Gelle Zamora, 30, residente ng San...
Proklamasyon ng mayor-elect, pinigil sa nakabimbing DQ
CASIGURAN, Aurora - Naunsiyami ang proklamasyon sa nanalong alkalde sa bayang ito makaraang magpalabas ng order dahil sa kinakaharap nitong disqualification case sa Commission on Elections (Comelec). Batay sa dalawang-pahinang order sa Municipal Board of Canvassers,...