BALITA
Disbarment vs Ombudsman, ibinasura
Dahil sa kawalan ng merito, ibinasura kahapon ng Korte Suprema ang disbarment case laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Ayon sa tagapagsalita ng Supreme Court (SC) na si Atty. Theodore Te, unanimous ang naging boto sa pagbasura ng disbarment case na inihain laban kay...
P300M para sa 4,000 martial law victims
Nasa P300 milyon ang inilaang pondo ng pamahalaan bilang paunang bayad sa 4,000 biktima ng martial law sa bansa. Ang nasabing pondo ay ipinadala na ng Human Rights Victims Claims Board (HRVCB) sa Department of Budget and Management (DBM) kasunod ng pag-apruba sa listahan ng...
Trike driver niratrat habang nagpo-'pool'
Abalang-abala sa paglalaro ng “pool” ang isang tricycle driver nang lapitan at pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang armado sa Navotas City, nitong Lunes ng gabi. Dead on the spot si Armando Cedro, 46, ng North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod, sanhi ng...
Binatilyo tigok sa ex-bf ng kasintahan
Patay ang isang teenager matapos kuyugin ng isang grupo ng mga lalaki dahil sa umano’y away sa babae sa Quezon City nitong Lunes, iniulat kahapon. Ilang tama ng saksak sa katawan ang ikinamatay ni Marvin Gaming, 17, second-year college student, nang sugurin siya ni...
3 timbog, 2 bata nasagip sa pambubugaw
Sabay-sabay inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong katao habang nasagip ang dalawang bata mula sa sex trafficking operation sa Taguig City. Kinilala ng NBI ang mga naarestong suspek na sina Danica Bucaling, Mary Ann Buan, at Jayvy Badeo. Kumagat ang...
'Tagabili' ng shabu, nirapido
Patay ang isang babae nang barilin sa ulo ng ‘di pa nakikilalang suspek matapos umanong bumili ng shabu sa Malate, Maynila kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Philippine General Hospital (PGH) si Elma Raga, 44, ng 2377 Arellano Avenue, Singalong, sa Malate habang...
Lolo kulong sa pagwawala, baril
Sa rehas ang bagsak ng isang bangengeng lolo makaraang magwala at makumpiskahan ng hindi lisensiyadong baril sa Pasay City kahapon. Nasa kustodiya na ng Police Community Precinct (PCP)-Station 2 si Restor Rebalde, 59, ng Apelo Cruz Street, Barangay 152, Malibay ng nasabing...
7 illegal recruiter pinagdadakma
Pitong katao ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa illegal recruitment. Nakatakdang sampahan ng kasong estafa at syndicated and large scale illegal recruitment sina Marie Alvarez, Mercy Galedo, Crisanto Diroy, Joel Gallezo, Kristine Fernandez,...
Nilayasan ng asawa nagbigti
BAMBAN, Tarlac - Hindi nakayanan ng isang 45-anyos na lalaki ang pag-alis ng kanyang misis at pinaniniwalaang ito ang dahilan ng kanyang pagbibigti sa Sitio Mano, Barangay Anupul sa Bamban, Tarlac, nitong Lunes ng hapon. Ayon kay PO3 Febmier Azura, sinabi ng ina ni Jose...
5 patay sa sunog sa cargo boat
Limang katao ang namatay habang apat na iba pa ang nasugatan makaraang masunog ang isang cargo boat habang nakahimpil sa daungan sa Zamboanga City, Lunes ng gabi. Sa limang tupok na bangkay, tatlo pa lamang ang nakilala na sina Razdy Imlan, Manzul Abidin, at Sidim Tangkahan....