BAMBAN, Tarlac - Hindi nakayanan ng isang 45-anyos na lalaki ang pag-alis ng kanyang misis at pinaniniwalaang ito ang dahilan ng kanyang pagbibigti sa Sitio Mano, Barangay Anupul sa Bamban, Tarlac, nitong Lunes ng hapon.
Ayon kay PO3 Febmier Azura, sinabi ng ina ni Jose Reyes na si Dolores Reyes, 69, na labis na nalungkot ang kanyang anak simula nang iwan ito ng asawa sa personal na dahilan.
Bukod sa madalas na tulala, sinabi ng ginang na madalas ding banggitin ni Jose na magpapatiwakal na lang ito dahil sa sapin-sapin na problemang dumating sa buhay nito, kabilang na ang biglang pag-alis ng misis nito. (Leandro Alborote)