July 23, 2026

Home BALITA National

VP Sara, makakatakbong Pangulo hangga't 'di guilty—Comelec

VP Sara, makakatakbong Pangulo hangga't 'di guilty—Comelec
Photo courtesy: MB via Mark Balmores

Nilinaw sa publiko ng Commission on Elections (Comelec) na maaari pa rin daw na makatakbo sa 2028 national elections si Vice President Sara Duterte hanggang wala pa raw pinal na conviction na guilty ito sa isang kasong kriminal. 

Sa naging pahayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa panayam sa kaniya ng media nitong Martes, Hulyo 21, 2026, sinabi niyang maaari pa rin daw makatakbo ang kahit na sinomang indibidwal hanggang walang pinal na conviction na guilty laban sa kanila, maging sa posisyon daw mula sa Pangulo hanggang sa pinakamababang puwesto sa pamahalaan. 

“‘Yon ngang tinanggal halimbawa ng Kongreso bilang isang kongresista ay puwedeng makatakbo dahil hindi naman siya isang criminal case,” halimbawa niya. 

Ani Garcia, pupuwede pa rin daw na makatakbo para sa posisyon ng gobyerno ang kahit na sino kung nakaapela pa rin daw ang mga kasong kriminal laban sa kaninuman. 

Giit naman ni Garcia, hindi rin naman daw maaaring pigilan ng COMELEC ang mga indibidwal na magsusumite ng kanilang kasong diskuwalipikasyon o kanselasyon sa kandidatura ng isang tao. 

National

Rep. Luistro kay Sen. Robin: 'Lalong nakakapagtaka kung ide-defend namin yung respondent!'

“Of course, hindi po kayang pigilan ni COMELEC ‘yong mga gustong mag-file pa rin ng mga kasong disqualification o cancellation of candidacy,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Pero as far as the COMELEC concerned, and duty po namin ay ministerial sa pagtanggap ng Certificate of Candidacy. Ibig sabihin, lahat po ng COC ay tatanggapin namin at hindi para desisyunan kaagad namin habang tinatanggap na ang tao na ito ay kuwalipikado o hindi kuwalipikado.” 

Pagpapatuloy ni Garcia, posible din naman daw na ang COMELEC mimso ang magsumite ng moto propio sa diskuwalipikasyon ng isang kandidato. 

“Hihintayin namin na may mag-file ng petisyon o ang COMELEC mismo ay magpa-file muna ng motu propio na diskuwalipikasyon laban sa isang kandidato,” ‘ika niya. 

“Hangga’t walang conviction na guilty ang isang tao at ito ay naging final executory, at hindi na puwedeng iapela sa kahit na kanio, ang taong ‘yan ay puwedeng makatakbo,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, lumipad papuntang Qatar, UK, Netherlands; 'di raw gastos ng gov't funds!