BALITA
Masamang epekto ng bakuna, naranasan – DOH
ni Mary Ann Santiago Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na hanggang nitong Marso 9 ay nakapagtala na sila ng 21 seryosong adverse events sa isinasagawang pagbabakuna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria...
Serbisyo, ‘di apektado sa batikos – Roque
Hindi nagsayang ng panahon ang administrasyon para lamang kay Vice President Leni Robredo. Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ni Robredo na mas pinagtutuunan pa ng pansin ng punong ehekutibo na atakihin siya habang nangungulelat naman...
‘NPA commander’ huli sa extortion
ni Calvin Cordova CEBU CITY – Inaresto ng pulisya ang isang lalaking nagpapanggap na kumander ng New People’s Army (NPA) matapos na mangikil sa may-ari ng isang restaurant sa Cotabato City, kamakailan. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Benigno Table at nagpakilala...
Uniform curfew, ipatutupad sa MM
Nina ELLSON QUISMORIO at BELLA GAMOTEA Ipatutupad na ang uniform curfew sa Metro Manila simula Marso 15. Ito ang kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, sa isang virtual press conference nitong Huwebes ng gabi. Tatagal aniya ang...
Japan minarkahan ang isang dekada simula ng 2011 quake, tsunami at nuclear disaster
TOKYO (AFP) — Minarkahan ng Japan nitong Huwebes ang 10 taon mula nang pinakamalupit na natural na sakuna sa buhay na alaala ng bansa: isang malakas na lindol, nakamamatay na tsunami at nuclear meltdown na nag-iwan ng trauma sa bansa. Nagpapatuloy ang paghahanap sa...
COVID-19 cases sa San Juan, nagtriple
ni Mary Ann Santiago Kinumpirma ng alkalde ng San Juan na nagtriple ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitala nila sa akalipas lamang na 10-araw. Ayon kay Mayor Francis Zamora, noong Pebrero 17 ay mayroon lamang na 30-aktibong kaso ng COVID-19 ang...
Taal Volcano Island, bawal sa publiko – PCG
Ni RICHA NORIEGA Binalaan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang publiko na huwag puntahan ang Taal Volcano Island dahil sa tumitinding pag-aalburoto nito. Inilabas ng PCG ang babala kasunod nang pagkakaaresto nila sa anim na residente na bumisita sa lugar para lamang mag-live...
PNP sa pamilya ng 9 aktibista: Magdemanda kayo
ni Jun Fabon Hinamon ng Philippine National Police (PNP) ang pamilya ng siyam na umano’y aktibistang napatay na magdemanda sa sa korte matapos ang ikinasang operasyon laban sa mga rebelde sa Cavite-Laguna-Batangas-Rizal at Quezon (Calabarzon), kamakailan. Ito ang reaksyon...
Calbayog City ‘shootout’ imbestigahan -- solon
Ni VANNE ELAINE TERRAZOLA Nais ni Samar 1st District Rep. Edgar Mary Sarmiento na imbestigahan ng Kamara ang umano’y naganap na “engkuwentro” sa pagitan ng pulisya at ng mga tauhan ni Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino na ikinamatay ng huli at ng apat na iba, nitong...
Wanted, kasabwat, patay sa shootout
ni Mary Ann Santiago Isang lalaking itinuturing na No. 1 most wanted person (MWP) sa Tigbauan, Iloilo at kasabwat nito, ang napatay nang manlaban umano sa mga awtoridad habang sinisilbihan ng warrant of arrest sa Antipolo City, nitong Miyerkules ng gabi. Isa sa mga napatay...