BALITA
10 OFWs na pinauwi sa PH via Davao City, nag-positive
DAVAO CITY - Sampu sa overseas Filipino workers na pinauwi sa bansa sa pamamagitan ng pagdaan sa Davao City kamakailan ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ito ang kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at sinabi na sa naturang bilang, tatlo...
Motu proprio investigation sa Cortes slay sa Cebu, ikinasa ng CHR
Sisimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsasagawa ng motu proprio investigation kaugnay ng pagkakapaslang sa radio commentator na si Reynante Cortes sa Cebu, kamakailan. Ipinahayag ni CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, ang kanilang hakbang ay kasunod ng...
9 PNP generals na idinawit ni Duterte sa illegal drugs, pinaiimbestigahan na!
Iniutos na ni Philippine National Police (PNP chief General Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa siyam na police general na ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na sangkot umano sa illegal drugs....
₱8M puslit na sigarilyo, nasamsam ng pulisya sa Zamboanga City
ZAMBOANGA CITY – Sinamsam ng mga pulis ang₱8 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa lungsod, nitong Martes ng madaling araw. Inihayag ni Police Regional Office-9 chief, Brig. Gen. Ronaldo Genaro Ylagan, naharang ng mga awtoridad ang kargamento na sakay ng isang...
2 kaso ng Delta variant, naitala sa San Juan City
Kinumpirma ni San Juan City Mayor Francis Zamora na nakapagtala na rin sila sa lungsod ng dalawang kaso ng Delta variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na nitong Martes lamang sila naabisuhan nabigyan hinggil sa pagpositibo sa...
Mayor Isko: Maynila, malapit na sa herd immunity vs. COVID-19
Malapit nang makamit ng lungsod ng Maynila ang herd immunity o population protection laban sa COVID-19. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, hanggang alas-8:00 ng gabi ng Hulyo 26, Lunes, nasa 811, 998 na ang mga indibidwal sa lungsod na naturukan ng first dose ng COVID-19...
DOH, nakapagtala ng 7,186 bagong COVID-19 cases
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,186 bagong COVID-19 cases sa bansa nitong Martes, Hulyo 27. Ito ang pinakamataas na naitala sa loob ng mahigit sa isang buwan. Batay sa case bulletin no. 500 na inilabas ng DOH dakong alas-4:00 ng hapon, nabatid na dahil sa...
DOH, nababahala sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila
Nababahala ngayon ang Department of Health (DOH) kaugnay ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila sa gitna ng banta ng Delta variant. “Dito sa NCR, tumaas tayo ng mga 47 percent itong linggong ito compared doon sa nakaraang linggo,” ayon...
'Circuit-breaker' lockdown sa MM, inirekomenda ng OCTA
Iminungkahi ng isang grupo ng mga eksperto nitong Martes ang pagpapatupad ng ‘circuit-breaker' lockdown sa Metro Manila matapos na makapagtala pa ang rehiyon ng halos 1,000 new daily COVID-19 cases nitong mga nakalipas na araw. Ipinaliwanag ni Dr. Guido David, ng OCTA...
18 Delta variant cases, naitala sa Laguna
LAGUNA – Lumaganap na rin ang Delta coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant sa lalawigan matapos maitala ang 18 na kaso nito, ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez, nitong Martes, Hulyo 27. Aniya, aabutin ng dalawa hanggang tatlong linggo upang makuha ang resulta ng...