BALITA
Nagugutom na Pinoy, nabawasan nga ba?
Umabot sa 13.6 porsyento ng populasyon o 3.4 milyong pamilyang Pinoy ang nakaranas ng gutom sa nakaraang tatlong buwan. Ito ang ulat ng Social Weather Stations (SWS) batay sa isinagawang survey mula Hunyo 23 hanggang 26. Ang nasabing bahagdan ay mas mababa ng 3.2 kumpara sa...
Delta variant cases sa PH, nadagdagan pa ng 97 -- DOH
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 97 bagong Delta variant cases ng COVID-19 sa Pilipinas. Dahil dito, aabot na sa 216 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa. Sa datos ng DOH, University of the Philippines - Philippine Genome Center (UP-PGC), at...
Robredo, 'di susuportahan ng grupo ni ex-Senator Trillanes sa 2022 elections
Matapos makumpirmang nakipapulong si Vice President Leni Robrerosa napabalitang kakandidato sa pagka-pangulo na si Senator Panfilo Lacson at kay Senator Richard Gordon kamakailan, nagbanta si dating Senator Antonio Trillanes IV na hindi ito makakakuha ng suporta sa Magdalo...
Marikina gov't, handa na sa posibleng COVID-19 surge upang 'di makapasok ang Delta variant
Tiniyak ni Mayor Marcelino Teodoro na naghahanda na ang Marikina City government hinggil sa posibleng pagtaas pa ng naitatalang COVID-19 cases atmapigilanang pagpasok ng mas nakahahawang Delta variant sa lungsod. Ang pagtiyak ay ginawa ng alkalde matapos na ianunsiyo ng...
Kung ako makukulong, magdadala ako ng limang 'dilawan' -- Duterte
Handang makulong si Pangulong Rodrigo Duterte kung mapatunayang nagkasala siya dahil sa umano’y mga pang-aabuso sa karapatan, gayunman, hindi niya nais na makulong mag-isa. Sinabi ng Pangulo na kung sakaling siya ay makukulong, magsasama siya ng kanyang mga kritiko lalo na...
DOH, nakapagtala pa ng 5,735 bagong kaso ng COVID-19 sa 'Pinas nitong Huwebes
Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 5,735 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Huwebes, Hulyo 29 ng hapon. Batay sa case bulletin no. 502 na inilabas ng DOH dakong alas-4:00 ng hapon, nabatidna dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 1,572,287...
896 barangay sa Maynila, pinaghahanda sa posibleng ECQ
Naglabas na ng memorandum ang Manila City government upang paghandain ang 896 na punong barangay sa posibleng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Metro Manila bilang hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng Delta variant. Inilabas ni brgy. bureau chief Romy...
Pagbabakuna vs Delta variant, pinamamadali na ni Duterte
Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna matapos itong mabahala dahil sa pagpasok ng Delta coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant sa bansa. Sa kanyang Talk to the People program sa People's Television Network, aminado ang Pangulo na lumilikha ng...
DOH: 'Pinas, balik sa moderate-risk COVID-19 classification
Ibinalik na sa moderate-risk ang klasipikasyon ng Pilipinas sa COVID-19, matapos na maobserbahan ang pagtaas ng mga naitatalang COVID-19 cases sa bansa nitong mga nakalipas na araw. Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, matapos ang...
NCR mananatili sa striktong GCQ; Iloilo, tatlo pang lugar isinailalim sa ECQ
Pinapanatili ng gobyerno ang mahigpit na quarantine restrictions sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa susunod na buwan upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng Delta coronavirus variant. Inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pananatili ng Metro Manila at iba pang lugar sa ilalim...