BALITA
Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
Walang sinuwerte ng jackpot para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Marso 27. Ang lucky numbers para sa Grand Lotto ay 36 - 38 - 47 - 43 - 28 - 15 para sa jackpot na nagkakahalaga ng...
Camille Prats, nawalan ng phone sa Blackpink concert; nahulugan o nadukutan?
Ibinahagi ng Kapuso actress-TV host na si Camille Prats na nawalan siya ng mamahaling cellphone sa Philippine Arena noong Linggo, Marso 26, nang manood ng "Born Pink" concert ng sikat na Korean Pop all-girl group na "Blackpink." Ayon sa Instagram story ni Camille, sinubukan...
Umano'y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
San Fernando CITY, Pampanga – Arestado ng pulisya ang isang hinihinalang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Malabanias, Angeles City, Pampanga noong Linggo, Marso 26. Ang suspek na si Christopher Castaneda, alyas “Topey,” ay itinuring na...
Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Kinumpirma ni House Committee on Ethics and Privileges Chairman at COOP-NATCCO Party-list Rep. Felimon Espares nitong Lunes, Marso 27, na natanggap na ng Committee on Ethics ang formal request letter ni Pamplona Mayor Janice Degamo na i-expel si Negros Oriental 3rd district...
Student-athlete na nag-collapse sa isang football varsity game, patay!
Kinumpirma ng Colegio San Agustin (CSA) Makati nitong Lunes, Marso 27, ang pagkasawi ng kanilang student-athlete na nag-collapse umano habang nakikilahok sa isang football varsity game sa labas ng kanilang paaralan. Sa Facebook post ng CSA, inanunsyo nitong nasawi ang isa sa...
Operasyon ng Pasig River Ferry System, suspendido sa Semana Santa
Suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry System ngayong Semana Santa, ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Marso 27. Magsisimula ang tigil na operasyon nito sa Abril 5 (Miyerkules Santo) hanggang Abril 10. Gagamitin ng MMDA...
Abalos, sinabing malakas ang ebidensya vs mastermind ng Degamo-slay case
Binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. nitong Lunes, Marso 27, na malakas ang ebinsyang hawak nila laban sa umano’y mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4....
1,298 bagong Covid-19 cases sa Pilipinas, naitala mula Marso 20-26
Isinapubliko ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na umaabot pa sa 1,298 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang naitala sa bansa mula Marso 20 hanggang 26, 2023. Sa National Covid-19 Case Bulletin ng DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw...
Bawas-presyo sa produktong petrolyo, kasado na sa Marso 28
Magpapatupad ng bawas-presyo produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes, ngayong Martes, Marso 28. Sa magkakahiwalay na abiso ng Shell, Seaoil, Clean Fuel, PTT Philippines at Petro Gazz, magkakaroon ng ₱0.85 tapyas-presyo sa kada litro ng kanilang...
Lumabag sa exclusive motorcycle lane, halos 1,400 na! -- MMDA
Nasa 1,391 na ang nahuling lumabag sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong Lunes, Marso 27. Sa social media post ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang naturang bilang ay naitala sa unang araw ng implementasyon ng bagong...