BALITA
QC gov't, mamamahagi na ng cash aid sa mga solo parent, senior citizen
Sisimulan nang ipamahagi ng Quezon City-Social Services Development Department (SSDD) ang Social Welfare Assistance (SWA) para sa mga kwalipikadong senior citizen at solo parent sa lungsod sa Sabado, Nobyembre 18, 2023. Sa social media post ng QC government nitong Biyernes,...
32 pang OFWs mula Israel, dumating na sa Pilipinas
Isa pang grupo ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Israel ang dumating sa bansa nitong Biyernes. Sa Facebook post ng Department of Migrant Workers (DMW), personal na sinalubong ng officer-in-charge ng ahensya na si Hans Leo Cacdac ang 32 OFWs nang dumating ang mga...
Dahil sa M6.8 na lindol: Mall sa GenSan, pansamantalang isasara
Inanunsyo ng SM City General Santos ang pansamantala nitong pagsasara matapos yanigin ng magnitude 6.8 na lindol ang lugar nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 17. Matatandaang inihayag ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:14 ng hapon. Namataan...
Romualdez sa patutsada ni Duterte: ‘Di eleksyon ang sagot sa sikmurang gutom’
Naglabas ng pahayag si House Speaker Martin Romualdez hinggil sa naging patutsada ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na may balak umano siyang tumakbo sa 2028 presidential elections. Sa isang pahayag nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 17, iginiit ni Romualdez na hindi umano...
Mula magnitude 7.2: Lindol sa Davao Occidental, ibinaba sa M6.8
Ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa 6.8 ang magnitude ng lindol na yumanig sa probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 17. Sa pinakabagong tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong...
6 lugar sa Cagayan, tinamaan ng African swine fever
Tinamaan na ng African swine fever (ASF) ang anim na bayan sa Cagayan, ayon sa pahayag ng Provincial Veterinary (PVET) Office nitong Biyernes. Kabilang sa mga naapektuhang lugar ang Barangay Angaoang at7 Sto. Tomas sa Tuao; Bauan West sa Solana; Plaza sa Aparri; Iringan sa...
DA chief: Umano'y big-time na smuggler ng sibuyas, huli sa Batangas
Hinuli ng mga alagad ng batas ang isang umano'y bigtime na smuggler ng sibuyas sa ikinasang operasyon sa Batangas nitong Miyerkules ng hapon. Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. nitong Biyernes. Tinukoy ni Laurel si...
Phivolcs: ‘Walang tsunami threat mula sa M7.2 na lindol sa Davao Occidental’
Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas mula sa magnitude 7.2 na lindol na yumanig sa baybayin ng Davao Occidental nitong Biyenres ng hapon, Nobyembre 17. “No destructive tsunami threat exists based...
Pagkontra ni Kathryn sa mga ipinagbabawal ni Daniel, senyales ng hiwalayan?
Tampok na naman sa usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez ang magjowang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” nitong Huwebes, Nobyembre 16, napansin umano ni Cristy na tila kinokontra daw ni Kathryn ang mga...
Davao Occidental, niyanig ng magnitude 7.2 na lindol
Niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:14 ng hapon....