BALITA
Isa pang nuke test pinangangambahan
SEOUL, South Korea (AP) – Sinabi ng isang opisyal ng South Korea na may kakayahan ang North Korea na magsagawa ng isa pang nuclear test anumang oras sa isang hindi nagamit na tunnel sa atomic test site ng bansa. Ito ang komento ni Defense Ministry spokesman Moon Sang...
Turkish warplanes inatake ang IS
ISTANBUL (AP) – Inihayag ng militar ng Turkey noong Linggo na 20 mandirigma ng grupong Islamic State ang napatay sa pag-atake ng kanilang warplanes sa hilaga ng Syria, kasabay ng muling pangako ng kanilang pangulo na dudurugin ang grupo. Tinira ng warplanes ang tatlong...
Clinton tigil kampanya dahil sa pneumonia
NEW YORK (AFP) – Kinansela ni Democratic White House hopeful Hillary Clinton ang kanyang campaign fundraising trip sa California matapos sumama ang kanyang pakiramdam sa 9/11 memorial ceremony nitong Linggo dahil sa pneumonia. ‘’Secretary Clinton will not be traveling...
Official Gazette binatikos sa artikulo kay Marcos
Inakusahan ng netizens ang gobyerno ng pagtatangkang baguhin ang kasaysayan tungkol kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Agad na dumepensa si Presidential Communications Office Assistant Secretary Ramon Cualoping III at nilinaw na hindi binabago ng Official Gazette ang...
May 'go-ahead' na sa bitay—Widodo DUTERTE HANDS-OFF KAY VELOSO
Hands-off si Pangulong Rodrigo Duterte sa hatol na kamatayan ng Indonesia sa drug convict na si Mary Jane Veloso, overseas Filipino worker (OFW) na nakumpiskahan ng heroin sa nasabing bansa noong Abril 2010. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang posisyon umano...
'Robin Padilla' tiklo sa buy-bust
CONCEPCION, Tarlac - Isang hinihinalang drug pusher at nasa drug watchlist ng pulisya ang nalambat sa buy-bust operation sa Barangay Sta. Monica, Concepcion, Tarlac. Positibong kinilala ni PO2 Regie Amurao ang naaresto nitong Setyembre 6 na si Robin Padilla, kapangalan ng...
Sa FB bago nagbigti: I'm dying, bye
BALETE, Batangas – Nag-post pa sa Facebook ng pamamaalam ang isang binata bago binigti ang sarili sa Balete, Batangas. Nakabitin at napupuluputan ng extension wire sa leeg nang matagpuan sa harap ng banyo si Simon Gabriel Ramirez, 23, na inaalam pa ang dahilan ng...
Seafood exporter sinuspinde sa hepa outbreak
Sinuspinde ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang operasyon ng isang seafood exporter sa Cebu makaraang iugnay ang produkto nitong “halaan” sa hepatitis outbreak sa Hawaii noong nakaraang buwan. Paliwanag ni BFAR-Region 7 Director Andres Bojos,...
Lalaki tigok sa TB
Sa gilid ng kalsada tuluyang nalagutan ng hininga ang isang lalaki na dati umanong namamasada ng jeep. Dakong 1:30 ng hapon nitong Sabado nang madiskubre ang bangkay na kinilala lamang sa alyas na “Tolits”, 35 hanggang 40 anyos, 5’6” ang taas, sa bangketa ng M. Dela...
2 binatilyo arestado sa shabu
Dalawang binatilyo na umano’y tulak ng ilegal na droga ang nadakip sa buy-bust operation sa Parañaque City. Kulungan ang bagsak nina James Castro y Martinez, alyas “Jason”, 23 at Edward Pendon, 23, kapwa residente sa Parañaque City. Sa ulat na natanggap ni Southern...