BALITA
Stampede sa Hindu festival, 6 nasawi
KOLKATA, India (AP) — Anim katao ang nasawi sa stampede sa isang Hindu religious festival noong Lunes sa silangan ng India, sinabi ng isang opisyal. Nangyari ang stampede sa pagtitipon ng libu-libong katao sa pampang ng Buriganga river sa West Bengal state. Ayon kay state...
Tagapagmana ng Samsung, ipinaaresto
SEOUL, South Korea (AP) — Hiniling ng prosecutors noong Lunes na arestuhin ang tagapagmana ng Samsung na si Lee Jae-yong sa kasong bribery kaugnay sa influence-peddling scandal na nauwi sa impeachment ng pangulo ng South Korea. Sinabi ng special prosecutor’s office na...
CIA chief, binalaan si Trump
WASHINGTON (AFP) – Binira ni outgoing CIA chief John Brennan noong Linggo si Donald Trump, at binalaan na mag-ingat sa kanyang mga sinasabi dahil tila hindi nauunawaan ng president-elect ang mga hamong dala ng Russia. Ang madidiing salita ni Brennan ang huling salvo sa...
Jet bumulusok sa kabahayan, 37 patay
BISHKEK (Reuters) – Bumulusok ang cargo jet ng Turkish Airlines malapit sa Manas airport ng Kyrgyzstan noong Lunes, na ikinamatay ng 37 katao, karamihan ay mga residente sa pamayanang kinabagsakan ng Boeing 747 na nagtangkang lumapag sa kabila ng makapal na hamog, sinabi...
PH drug rehab popondohan ng EU
Sa halip na batikusin ang nagpapatuloy na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa droga at mgfa krimeng dulot nito, nagdesisyon ang European Union (EU) na mag-alok ng ayuda sa rehabilitasyon ng mga tulak at adik bilang suporta sa kontrobersiyal na kampanya ng Pangulo....
Galit lang si Digong — Aguirre
Nilinaw kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng martial law dahil mismong ang Presidente “loathed martial law declaration.” Ito ang tiniyak ng kalihim kahapon kaugnay ng naging pahayag ni Duterte...
Tagaan sa inuman
VICTORIA, Tarlac - Nagtamo ng malulubhang taga sa katawan ang isang grader operator makaraan niyang makaalitan sa inuman ang kapwa niya operator sa loob ng kanilang barracks sa Barangay Balayang sa Victoria, Tarlac, nitong Sabado ng gabi. Pinagtataga sa iba’t ibang parte...
Nawawala, natagpuan sa balon
DAGUPAN CITY, Pangasinan - Bangkay na nang matagpuan kahapon ng mga residente ang isang senior citizen na ilang araw nang nawawala sa Vintar, Ilocos Norte. Kinilala ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang lalaki na si Tommy Agpalza, 61, may asawa, ng Barangay 14, Ester...
3 'tulak' nakorner
CABANATUAN CITY – Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Nueva Ecija ang isang umano’y kilabot na drug pusher sa buy-bust operation sa Barangay Bonifacio District sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Biyernes. Nabatid ng Balita...
9 sugatan sa banggaan
CAMILING, Tarlac – Muling natigmak ng dugo ang highway sa Barangay Malacampa sa Camiling, Tarlac makaraang mabangga ng pampasaherong Victory Liner bus ang isang Toyota Avanza, na ikinasugat ng siyam na katao, nitong Sabado ng gabi. Kinilala ni PO2 Jonathan Juanica ang mga...