BALITA
Comelec chief: Voter registration, hindi na palalawigin
Walang plano ang Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa o i-extend ang voter registration para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, mananatiling Enero 31, 2023 ang deadline o pagtatapos ng pagpapatala...
Presyo ng sibuyas, babagsak na? Mga inangkat mula China, dumating na!
Dumating na sa bansa ang mga sibuyas na inangkat sa China, ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) chief Glenn Panganiban. Aniya, kabilang sa dumating kamakailan ang 32 container van ng pulang sibuyas at 16 container van ng puting sibuyas. Isinasailalim pa aniya pa aniya sa...
‘That’s what fur-riends are for!’ Netizens, naantig sa aso’t pusang magkayakap sa lansangan
Viral ngayon sa social media ang larawang kuha ng netizen na si Renz Villasor tampok ang isang aso’t pusang mahimbing na natutulog sa lansangan habang magkayakap katabi ang dalawang umano'y pulubi. Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Villasor na papunta sila sa...
'Unbreak My Heart!' GMA, ABS-CBN, at Viu, sanib-puwersa sa isang collab project
Pormal nang inihayag ng GMA Network at ABS-CBN ang kanilang kauna-unahang pagsasanib-puwersa sa isang collaboration project, na reunion teleserye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na may pamagat na "Unbreak My Heart" kasama pa sina Joshua Garcia at Gabbi Garcia....
OCTA: Covid-19 positivity rate sa NCR, nasa 2.4% na lang!
Bumaba pa sa 2.4% ang seven-day Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) habang bahagya ring bumaba sa 2.7% ang nationwide Covid-19 positivity rate. Sa datos na ibinahagi ni Dr. Guido David ng independiyenteng OCTA Research Group nitong Lunes, nabatid na...
Gasolina, may dagdag na ₱2.80/liter: Big-time oil price increase, asahan sa Enero 24
Ipatutupad ang malakihang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Enero 24, ayon sa pahayag ng mga kumpanya ng langis nitong Lunes. Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, ₱2.80 ang ipapatong nila sa kada litro ng gasolina, ₱2.25 naman sa diesel...
Suzette Doctolero, Juliana Parizcova Segovia, nag-react sa parinig post ni Darryl Yap
Tila nagparinig ang direktor ng pelikulang "Martyr or Murderer" na si Direk Darryl Yap sa kaniyang Facebook post, matapos lumabas ang official trailer at poster ng "Ako si Ninoy" ni Atty. Vince Tañada nitong Linggo ng gabi, Enero 22. Sinasabi kasing ang "Ako si Ninoy" ni...
Xiao Chua, mas hinangaan si JK Labajo sa pagganap nito bilang 'Ninoy Aquino'
Mas hinangaan umano ngkilalang propesor ng kasaysayan at historyador na si Xiao Chua ang singer-actor na si JK Labajo sa pagganap nito bilang "Ninoy Aquino" sa pelikulang "Ako si Ninoy" ng direktor na si Vince Tañada. Sa kaniyang tweet nitong Linggo, Enero 22, nangilabot...
DICT, tinalakay ang Digital Cooperation sa Denmark
Nakipagpulong si Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary for Public Affairs and Foreign Relations Anna Mae Yu Lamentillo kay Ambassador Franz-Michael Skjold Mellbin, Ambassador ng Denmark sa Pilipinas, upang talakayin ang mga lugar para...
‘Angas!’ Mga obra ng isang artist, literal na tila buhay na buhay
Gamit lamang ang pintura, o kaya naman ay yeso, nakagagawa ang artist na si James Ison, 26 mula sa Alaminos City, Pangasinan, ng mga obra ng mga hayop na tila buhay na buhay. Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Ison na una siyang nakaranas gumawa ng artwork gamit ang...