BALITA
'Di na raw makukulong sa banyo!' Lai Austria, 'inayos' caption sa post kasama si Dingdong
Binarda ng mga netizen ang "Family Feud" contestant na si Lai Austria matapos ang inintrigang caption niya sa Facebook post kasama ang TV host nitong si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. May pabirong caption kasi itong "Wait n'yo scandal namin" bagay na hindi nagustuhan...
DOH, tiniyak ang patuloy na pagbabantay ng Covid-19 variants
Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na patuloy na binabantayan ang paglitaw ng mga bagong variant ng Covid-19 sa liwanag ng pagtuklas ng omicron subvariants na XBB.1.5 at CH.1.1. Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa World Health...
Robert Bolick, balik-NorthPort na!
Bumalik sa NorthPort si Robert Bolick at pumirma ng kontrata kaya maglalaro na muli sa PBA Governors' Cup. Ito ang kinumpirma ni Batang Pier team manager Pido Jarencio nitong Miyerkules at sinabing inaasahang makikita muli sa aksyon si Bolick sa pagsabak ng koponan nito...
'Gusto mo giyera, nakahanda ako!' Cristy, tinalakan si Willie matapos ang 'litanya' sa Wowowin
Nagsalita na ang showbiz insider na si Cristy Fermin hinggil sa naging palabang mga pahayag ni Wowowin host Willie Revillame, patungkol sa ilang showbiz personalities na bumibira raw sa kaniya gayong may utang na loob ito sa kaniya. Pumalag si Cristy tungkol sa isang blind...
Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may 'utang na loob' sa kaniya
Isang palabang Willie Revillame ang napanood ng kaniyang mga tagasubaybay sa February 7 episode ng kaniyang programang "Wowowin" sa ALLTV, kung saan isa-isa niyang binanatan ang ilang showbiz personalities na umano'y nagsasalita laban sa kaniya kaugnay ng naging panawagan...
DAR, namahagi ng lupa sa mga magsasaka sa bansa
Pinaigting pa ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pagpapatupad ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o Project SPLIT upang maipamahagi ang mga lupang sakahan sa mga benepisyaryo nito. Umabot na 16,888 agrarian reform beneficiaries (ARBs) na ang...
DA, naglaan ng P326-M para mapalakas ang produksyon ng sibuyas sa bansa
Inihayag ng Malacañang na ang Department of Agriculture (DA) ay naglaan ng P326.97 milyon na layong mapalakas ang industriya ng sibuyas. Ang nakalaang pondo ay gagamitin para sa produksyon ng sibuyas, mga kagamitan na may kaugnayan sa produksyon, mga input ng sakahan, at...
TNT Tropang Giga, ipinalasap unang talo ng Converge
Ipinalasap ng TNT ang unang talo ng Converge FiberXers, 128-122, sa PBA Governors' Cup sa Araneta Coliseum nitong Miyerkules ng hapon. Tampok sa pagkapanalo ng Tropang Giga ang 56 points ni Jalen Hudson, 12 rebounds, apat na assists, isang steal at isang block sa 41 minutong...
Marcos, lumipad na pa-Japan
Bumiyahe na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. patungong Japan nitong Miyerkules, Pebrero 8. Kasama ng Pangulo si First Lady Louise Araneta-Marcos at ang delegasyon ng Pilipinas para sa limang araw na official visit bilang tugon sa imbitasyon ni Japanese Prime...
Neri sa birthday ni Chito Miranda: 'Because of you, mas masarap mangarap'
Extra sweet ang 'Wais na Misis' na si Neri Miranda sa kaarawan ng kaniyang mister na si Chito Miranda. Sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Pebrero 7, isang birthday message ang ibinahagi ni Neri. "Happy birthday sa best husband para sa akin! Thank you sa support mo...