BALITA
Japan, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol; walang banta ng tsunami
Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang hilagang bahagi ng bansang Japan nitong Martes, Marso 28, ngunit wala namang banta ng tsunami dito, ayon sa national weather agency. Sa ulat ng Agence France Presse, ibinahagi ng Japan Meteorological Agency na nangyari ang lindol na may...
‘Para sa OG balut vendors:’ Isang tindahan ng grilled balut sa Batangas, nag-sign off na
Viral ngayon sa social media ang post ni Zereen Xylex Atienza, 24, mula sa Balayan, Batangas, tampok ang pagtigil nila sa pagbebenta ng trending at patok ngayon na grilled balut dahil naawa umano sila sa tradisyunal o OG balut vendors na nawawalan na ng benta. Sa kaniyang...
2 babaeng parak, pinuri matapos tanggihan ang P100,000 tangkang panunuhol
Pinuri ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang dalawang kababaihang pulis na tumanggi sa P100,000 na suhol mula sa isang Chinese national. Inaresto noong Marso 26 ang Chinese national na si Bin Li, 40, sales manager, matapos umanong tangkang suholan ang mga pulis na sina...
Sanggol, patay sa pananambang sa Maguindanao del Sur; 4 iba pa, sugatan
DATU HOFFER, Maguindanao del Sur (PNA) – Patay ang isang walong buwang gulang na sanggol na babae habang apat pa ang nasugatan sa pananambang sa lalawigan na ito ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki. Lunes ng gabi, Marso 27, sinabi ng pulisya. Sinabi ni Capt....
17-anyos na lalaki, patay; 7 sugatan sa aksidente sa Lipa City
LIPA CITY, Batangas -- Patay ang isang menor de edad at pito naman ang sugatan, kabilang ang isang pulis, sa isang aksidente sa Brgy. Mabini ng siyudad na ito, Lunes, Marso 27. (Photo by Lipa City PNP via Danny Estacio/MANILA BULLETIN) Sa ulat ng Lipa City Police, nasawi...
Mahigit 10,000 litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG
Ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) na umabot sa 10,163 litro ng oily water mixture ang nakolekta nila sa Oriental Mindoro matapos nilang isagawa ang oil spill response operation. Sa Facebook post ng PCG nitong Martes, Marso 28, sinabi nitong bukod sa oily water...
John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
Napagdesisyonan ni John Casimero o mas kilalang, 'Angas ng Pinas' na ibenta ang kaniyang naging “kontrobersyal” na WBO championship belt sa negosyanteng Boss Toyo. Sa isang episode ng ‘Pinoy Pawnstars' ng rapper na si Jayson Luzadas rapper o mas kilala bilang “Boss...
PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
Apat na araw na magtitigil ng operasyon ang Philippine National Railways (PNR) sa susunod na linggo bilang pakikiisa sa paggunita sa Mahal na Araw. Sa abiso ng PNR nitong Martes, nabatid na suspendido muna ang operasyon ng kanilang mga tren mula sa Huwebes Santo, Abril 6,...
Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
Ibinahagi ng aktres na si Maja Salvador ang kaniyang saloobin sa kumakalat na “rebranding” ng longest-running noontime show na Eat Bulaga. “Kahit sa moon,” ito ang naging pahayag ng aktres sa isang press conference ng talent management na Crown Artist Management nang...
Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Ilocos Norte nitong Martes ng hapon, Marso 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:51 ng hapon. Namataan ang...