July 29, 2026

Home BALITA

Nenita Camposano, nakitang 'unusual' ₱37.5M na kinubra ng DepEd noon

Nenita Camposano, nakitang 'unusual' ₱37.5M na kinubra ng DepEd noon
Photo courtesy: Senate of the Philippines, OVP

Pinuga sa Senate impeachment court at publiko ng ikalawang tumayong testigo para sa Article I ng Articles of Impeachment na si dating LandBank Department of Education (DepEd) branch manager Nenita Camposano na “unusual” o hindi raw pangkaraniwan tatlong beses na ₱37.5 milyong encashment ng DepEd sa ilalim ng pamumuno noon ni Vice President Sara Duterte. 

Nakatuon kasi ang naturang article sa umano’y culpable violation sa Konstitusyon, graft and corruption, at betrayal of the public trust ng Bise Presidente, kaugnay sa alegasyong misuse and irregular disbursement ng confidential funds ng OVP.

KAUGNAY NA BALITA: Orihinal na copies ng tseke na in-encash ng OVP, shredded na—Violeta Constantino

Sa naging pahayag ni Camposano sa impeachment trial nitong Miyerkules, Hulyo 29, 2026, sinabi niyang tila hindi raw pangkaraniwan sa mata ng LandBank ang kinobra ng pamunuan noon ni VP Sara sa DepEd bilang isa raw na ahensya ng gobyerno. 

“With LandBank DepEd po for government agencies, ano siya, unusual po ang amount ng pag-withdraw” pagsisimula niya. 

Politics

'It takes one to know one!' Castro pinalagan 'Impakta' remark ni Sen. Imee

Ani Camposano, umaabot lang daw kasi halos sa 10 milyon ang madalas na kinokobra ng DepEd noon kumpara sa panahon na naging kalihim si VP Sara ng DepEd. 

“For DepEd, parang nagre-range lang ng mga nasa, I’m not sure masyado pero parang mga 10 [milyon],” aniya. 

Paglilinaw ni Camposano, unang beses lang daw niyang makakita o makaranas ng naging pagkokobra ng DepEd sa panahon ni VP Sara ng halagang ₱37.5 milyon bawat tseke, sa loob daw ng mahigit 34 na taon niyang pagseserbisyo sa LandBank. 

“Ngayon lang po ‘yong time na may encashment na ganoong kalaki,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, inaprubahan naman ng defense team ang mga petsa ng pag-encash ng nagngangalang si Edward Fajarda ng bawat ₱37.5 milyon noong Pebrero 22, 2023, Abril 26, 2023, at Hulyo 13, 2023. 

KAUGNAY NA BALITA: Impeachment complaint, ‘di suportado ng ebidensya—VP Sara