Ipinabatid sa publiko at Senate impeachment court ng unang tumestigo para sa Article I ng Articles of Impeachment na si dating Land Bank of the Philippine (LBP) Shaw Boulevard branch manager Violeta Constantino na nagutay-gutay na raw ang orihinal na kopya ng tseke na in-encash ng Office of the Vice President (OVP) noon.
Nakatuon kasi ang naturang article sa umano’y culpable violation sa Konstitusyon, graft and corruption, at betrayal of the public trust ng Bise Presidente, kaugnay sa alegasyong misuse and irregular disbursement ng confidential funds ng OVP.
Sa naging pagsisiyasat ni House prosecutor Joel Chua kay Constantino sa impeachment trial nitong Miyerkules, Hulyo 29, 2026, kinuwestiyon niya sa huli kung nasaan na raw ang mga orihinal na kopya ng tseke na in-encash ni dating OVP Special Disbursing Officer Gina Acosta sa kanilang banko.
“Ang original copy po ng mga tseke nito ay na–shred na po siya,” anang testigo.
Tanong naman ni Chua, “Bakit po siya shinred, kung alam ko ninyo?”
Ani Constantino, alinsunod daw ang paggutay-gutay nila sa mga kopya na in-encash ng OVP sa bank policy na i-shred na ang lahat ng mga negotiated cheques matapos ang isang taon.
“As per bank policy po, lahat po ng mga negotiated cheques ay may retention period lang ng one year. Kaya ito po shene-shred na,” aniya.
Paglilinaw pa ng testigo, dumaan ang shredding process sa lalagay ng mga tseke sa shredding machine upang maging gutay-gutay ang mga ito sa maliliit na piraso.
“Ang meaning po ng shred, ito po ay dumaan siya sa machine shredder. So napipira-piraso na po siya nang maliliit,” paliwanag ni Constantino.
“Ano po ang relasyon? Ito po ‘yong mga tseke na na-encash po ni Ms. Gina Acosta,” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: Akbayan kay Sen. Pia: 'Abogadong may argumentong pilipit, sa spliced video kumakapit!'
KAUGNAY NA BALITA: Impeachment complaint, ‘di suportado ng ebidensya—VP Sara