Balita Online
China one-child policy, mananatili pansamantala
BEIJING (Reuters) — Dapat patuloy na ipatupad ng China ang one-child policy hanggang sa magkabisa ang mga bagong patakaran na nagpapahintulot sa mga mag-asawa na magkaroon ng dalawang anak, sinabi ng National Health and Family Planning Commission, ang pinakamataas na...
Russian plane, nawasak sa kalawakan
WADI Al-ZOLOMAT, Egypt (AFP) — Ang Russian airliner na bumulusok sa Egypt ay nawasak sa kalawakan, sinabi ng isang imbestigador, habang inilipad na ang karamihan ng 224 kataong namatay sakay nito pauwi sa kanilang bayan. Umapela si President Abdel Fattah al-Sisi na maging...
2016 national budget, BBL, hiniling ipasa na
Muling nanawagan ang Malacañang para sa maagang pagpasa ng 2016 national budget at panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa pagbabalik ng sesyon ng Senado at House of Representatives ngayong Martes. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda...
Bukidnon mayor, kulong sa malversation
Hinatulan ng Sandiganbayan na mukulong ang isang mayor sa Bukidnon dahil sa kasong malversation. Si Kibawe Mayor Luciano Ligan, kasama ang tatlo pang opisyal ng bayan, ay ipinakulong sa pagpapatayo ng isang tourism function hall gamit ang pondong nakalaan sana sa tourism...
COLA sa empleyado ng gobyerno, hinihirit
Dalawang mambabatas ang nagsusulong na pagkalooban ng special economic assistance ang mga empleyado ng pamahalaan na may pinakamababang suweldo upang makaagapay sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin. Magkatuwang na inihain nina party-list Magdalo Reps. Gary C....
Modernong National Library, ipinupursige
Isang mambabatas ang naghain ng panukalang isamoderno ang National Library of the Philippines (NLP) upang itaguyod ang pagmamahal sa pagbabasa ng sambayanang Pilipino. Sinabi ni Rep. Carlo V. Lopez (2nd District, Manila) na ang kanyang House Bill No. 4454 ay tutukoy at...
Briton, nanghipo ng 4 babae
Inaresto ng mga tauhan ng Taguig City Police ang isang Briton na inakusahan ng pambabastos sa apat na babae. Nasa kustodiya ngayon ng pulisya at posibleng maharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na si Nicholas Rogerson, nasa hustong gulang, naninirahan sa 43J...
7 sasakyang nakaparada sa 'Mabuhay Lane,' hinatak
Mas hinigpitan pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isinasagawang clearing operation sa “Mabuhay Lane” sa Metro Manila kahapon. Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, aabot sa pitong...
Ex-Albay mayor, 8 taong kulong sa graft
Ipinakukulong ng Sandiganbayan ang dating alkalde ng Albay kaugnay ng maanomalyang pagkukumpuni sa limang sasakyan noong 2003. Sina dating Camalig Mayor Paz Muñoz at Municipal Engineer Rene Ortonio ay ipinakukulong nang walong taon matapos mapatunayan silang nagkasala sa...
Ex-INC minister, nangangamba sa seguridad sa pagharap sa CA
Sinabi ng kampo ng itiniwalag na ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca II na tinatantya nila kung gaano kaseryoso ang banta sa kanyang buhay na kanyang pagbabasehan sa pagdalo sa pagdinig sa inihain nitong writ of habeas corpus at writ of amparo sa Court...