Balita Online
Lev 13:1-2, 44:46 ● Slm 32 ● Cor 10:31 – 11:1 ● Mc 1:40-45
Lumapit kay Jesus ang isang may ketong at nakiusap sa kanya: “Ginoo, kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” Nahabag si Jesus sa kanya, iniunat ang kanyang kamay at sinabi: “Gusto ko, luminis ka!” Nang oras ding iyon, iniwan ang lalaki ng kanyang ketong at luminis....
Isyu ng karagatan, ipinaliwanag abroad
Sinimulan ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang unang lecture kaugnay sa West Philippine Sea (WPS) sa Elite International School sa Riyadh noong Pebrero 2, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Ito ang una sa serye ng lecture ng embahada ngayong 2015 sa mga isyu ng...
‘China, kayang tapatan ng ASEAN maritime forces’
Kung pagsasama-samahin ng lahat ng bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kanilang resources para sa isang security community o kahit alyansang pangseguridad, maitatatag ang isang kahangahangang puwersa na tiyak na makapipigil sa mga...
National Day of Remembrance sa SAF 44
Iminumungkahi ng isang mambabatas na ideklara ang Enero 25 bawat taon bilang National Day of Remembrance para sa 44 miyembro ng elite Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) na nagbuwis ng buhay sa Mamasapano siege noong Enero 25, 2015. Sinabi ni Rep....
Radio broadcaster, patay sa pamamaril sa Bohol
TAGBILARAN CITY, Bohol – Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Bohol, isang radio broadcaster ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa kilalang suspek habang lulan ang biktima ng kanyang sasakyan sa siyudad na ito kahapon ng tanghali. Nabulabog ang mga komunidad sa...
Record ni Pippen, binasag ni LeBron
AUBURN HILLS, Mich. (AP) – Sa pagpapakita niya ng kanyang all-around game, nabasag ni LeBron James ang NBA record ni Scottie Pippen para sa career assists ng isang forward nang kanyang makitang bukas si Kevin Love para sa isang 3-pointer laban sa Detroit Pistons kahapon. ...
Bob Simon, namatay sa car crash
NEW YORK (AP) — Pumanaw ang 60 Minutes correspondent na si Bob Simon sa isang car crash noong Miyerkules sa edad na 73. Inihayag ng CBS Evening News anchor na si Scott Pelley ang pagkamatay ni Simon sa isang special report. “We have some sad news from within our CBS...
3 banyaga, huli sa pekeng travel documents
Naharang ng Bureau of Immigration (BI) agents ang tatlong banyaga na tumangkang umalis sa bansa gamit ang mga pekeng travel documents sa Ninoy Aquino International Airport. Sina Chen Li Hui, Shi Jinxing, at Ke Meiru ay hinaraang ng BI travel control enforcement officers...
Recto sa DoE officials: No brownout sa Paquiao-Mayweather megafight
Nagbabala si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa mga opisyal ng Department of Energy (DoE) na tiyaking mayroon kuryente sa Mayo 2, ang araw ng $200-M megafight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. Ayon kay Recto, dapat ay magtuluy-tuloy ang kuryente sa Mayo 2...
Meralco, lalong magpapalakas; puntirya ang ikalimang panalo
Mga laro ngayon: (MOA Arena) 3 p.m. Globalport vs. Meralco 5:15 p.m. Barangay Ginebra vs. Talk ‘N Text Ikalimang sunod na panalo na magpapanatili sa kanila sa liderato ang tatangkaing sungkitin ng Meralco sa pagpapatuloy ngayon ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa MOA...