Nakatakda si Derrick Rose na sumailalim sa isang major knee surgery sa ikatlong pagkakataon sa loob ng tatlong taon.

Inanunsiyo ng Chicago Bulls kahapon na ang star point guard at 2011 MVP ay sasailalim sa surgery upang ayusin ang medial meniscus sa kanyang kanang tuhod. Wala pang itinakdang timetable para sa kanyang pagbabalik, ngunit posibleng hindi na makapaglaro si Rose sa kabuuan ng 2014-15 season.

Ayon sa mga ulat, sinabi ni Rose sa team officials ang nararamdamang pananakit habang nag-eensayo noong Martes.

Ang balita ay kasunod ng mga knee injury kay Rose, isa sa pinakasikat na manlalaro sa liga. Nagtamo si Rose ng punit sa kanyang meniscus sa kanang tuhod at 10 laro lamang sa pagpasok ng 2013-14 season at hindi na nakapaglaro sa buong kampanya. Ang nasabing injury ay nangyari may 18 buwan ang nakalipas matapos na mapunit ang ACL sa kaliwang tuhod sa unang laro noong 2011-12 playoffs na nagpahinga sa kanya sa postseason at kabuuan ng 2012-13 season.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Nagbalik sa aksiyon si Rose nitong 2014-15 at naging impresibo sa kanyang 46 laro bago ang huling anunsiyo. Bagamat lumiban sa mga laro paminsan-minsan dahil sa magkakaibang dahilan, ang 26-anyos na Chicago native ay tila nasa magandang kundisyon at nanatiling malaking bahagi sa pag-asa ng Bulls para sa title contention. - Yahoo Sports