SINAGOT na ng Harry Potter star na si Emma Watson sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ang mga tsismis na may maganda silang ugnayan ni Prince Harry.

Ayon sa Time, sinabi ng 24-anyos na British actress sa kanyang followers na huwag paniwalaan ang sinasabi ng media.

“Remember that little talk we had about not believing everything written in the media?!” nakasaad sa tweet ni Watson.

Ang nasabing tweet ay sinuportahan naman ng kanyang followers, at umani ng mahigit sa 30,000 retweets.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Unang ibinalita ng Woman’s Day ng Australia na nagpadala diumano ng email si Prince Harry kay Watson, na nagpapahiwatig na nais niyang makilala ang dalaga nang malaman ng prinsipe ang paghihiwalay ng dalaga at ng British rugby player boyfriend na si Matthew Janney.

Ayon sa source, sekretong nag-date sina Watson at Prince Harry, kasama ang 12 pa nilang kaibigan para maging komportable ang una.

“Harry didn’t want her to feel like she was put on the spot,” sabi ng isang insider.

Hindi na muling nakita ang dalawa na magkasama sa publiko sa ngayon, matapos tuluyang isara ni Watson ang nasabing tsismis. - eonline.com/Yahoo News