July 15, 2026

Home BALITA National

Bayolenteng online games, dapat nang ipagbawal sa bansa–SILG Sec. Remulla

Bayolenteng online games,  dapat nang ipagbawal sa bansa–SILG Sec. Remulla
Photo courtesy: DILG Philippines (FB), Unsplash

Mariing nanindigan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa pagpapataw ng “permanent ban” ng online games sa bansa na nagpapakita ng karahasan matapos ang kamakailang school shooting incident sa Tacloban City, Leyte, at  napigilang plano ng mass shooting sa Tolosa, Leyte. 

Sa pagharap ni Remulla sa media nitong Huwebes, Hunyo 25, binanggit niyang nararapat lamang na permanente nang i-ban sa bansa ang online games na sumusuporta sa anumang kilos ng karahasan dahil ang mga ito ay nagpapamanhid sa kabataan sa mga aspeto ng kamatayan at pagpatay sa buhay ng ibang tao. 

“I believe that games espousing violence like ‘Gorebox’ should be permanently banned from the Philippines. I believe that it desensitizes young people in the elements of death, elements of violence, and elements of murder,” ani Remulla. 

“The government, the Congress should also study the matter kung paano mapipigilan ito,” dagdag pa ng Kalihim. 

Ang pahayag na ito ni Remulla ay pagsegunda sa pansamantalang pagbabawal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa llarong “Gorebox,” na isang chaotic physics-driven sandbox na nagpapakita ng mga mapanirang elemento sa mga manlalaro nito. 

National

Ridon sa defense sa pagbubukas ng tax records ni VP Sara: 'Kung takot... baka may tinatago!'

MAKI-BALITA: CICC, pansamantalang ipagbabawal ang ‘GoreBox’

KAUGNAY NA BALITA: 16-anyos pababa, pagbabawalang gumamit ng social media—SP Win

Kasunod ito ng insidente ng pamamaril sa San Jose National High School, noong Lunes, Hunyo 22, kung saan, ang mga suspek ay 14-anyos at 15-anyos na mga menor de edad. 

ALAMIN: ALAMIN: Ilang detalye sa likod ng kauna-unahang school shootout sa Tacloban City

Noon namang Miyerkules, Hunyo 24, may napigilang pagpaplano ng mass shooting sa Tolosa National High School, sa Leyte, kung saan ang kinilalang nagbanta na gagawa nito ay isang 14-anyos na mag-aaral, sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post. 

MAKI-BALITA: Mass shooting sa Leyte, napigilan dahil kay Sen. Bam—SILG Remulla

KAUGNAY NA BALITA: ‘It is a deadly weapon!’ SILG Sec. Remulla, idiniin bigat ng responsibilidad sa pagmamay-ari ng baril