July 23, 2026

Home BALITA National

‘It is a deadly weapon!’ SILG Sec. Remulla, idiniin bigat ng responsibilidad sa pagmamay-ari ng baril

‘It is a deadly weapon!’ SILG Sec. Remulla, idiniin bigat ng responsibilidad sa pagmamay-ari ng baril
Photo courtesy: DILG Philippines (FB), Unsplash

Iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ang kahalagahan ng “responsible gun ownership” kasunod ng napigilang plano ng mass shooting sa Tolosa, Leyte, noong gabi ng Miyerkules, Hunyo 24. 

“Ako po ay naniniwala na sa lahat ng may-ari ng baril, may kaakibat na responsibilidad para alagaan ito. Dapat ito ay naka-safe, dapat ‘to ay naka-lock and key, at dapat ‘to 100% at the time, ang responsible ay yung gun owner,” ani Remulla sa kaniyang press briefing nitong Huwebes, Hunyo 25. 

Dahil dito, direktang nanawagan ang Kalihim sa mga grupong nakikibaka sa responsableng paggamit ng baril, na tumulong sa pagsulat ng bagong batas na nagbibigay diin sa responsibilidad ng gun owner sa kaniyang armas. 

“Nananawagan ako sa lahat ng advocates for the responsible ownership of guns, tulungan n’yo kami para mag-craft ng bagong batas, na may responsibility ang gun owner ukol sa kanilang hawak,” panawagan ni Remulla. 

Ginawa pang halimbawa ni Remulla ang kamakailang school shooting incident sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte, kung saan ang ginamit na baril ng isa sa mga suspek ay mula sa kaniyang tiyahing pulis. 

National

Sen. Robin Padilla, nilinaw 'one-sided' remarks niya sa prosekusyon

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ilang detalye sa likod ng kauna-unahang school shootout sa Tacloban City

“It is a deadly weapon [baril]. It cannot be compared na hiniram mo ang kotse tapos nakasagasa ng isa, may civil liability ang may-ari ng kotse. Baril ‘to. In this case, ginamit ng estudyante. In case one, the firearm used was a service pistol of a police officer [na] ang charge lang ay ‘Malversation,’ ani Remulla. 

“Walang criminal liability ayon sa batas pero para sa akin dapat meron. Kung ikaw ay mahilig sa baril, kung ikaw ay may service firearm, dapat itago ‘yan [baril]. Dapat walang nakakahawak na iba,” dagdag pa ng Kalihim. 

Nanawagan naman si Remulla sa Kongreso na i-review at muling isulat ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng gun ownership sa bansa at lagyan ng criminal aspect sa ilegal na paggamit ng mga baril. 

“I recommend the Congress to rewrite the IRR of gun ownership and the responsibility of holding firearms and to put a criminal aspect into the illegal use or illegal transfer of their guns,” panawagan ni Remulla sa mga kongresista. 

“People have to be responsible gun owners or gun operators. People have to take accountability,” aniya pa. 

Kasunod ng naging malagim na school shooting sa San Jose National High School, napigilan ng DILG ang pagpaplano ng isang mag-aaral ng mass shooting sa Tolosa National High School matapos makarating ang impormasyon kay Sen. Bam Aquino bandang 8:00 ng gabi noong Hunyo 24. 

Saad ni Remulla, ang nasabing mag-aaral ay isang 14-anyos na Grade 10 student sa paaralan. 

Ang plano ng mag-aaral ay nakarating sa mga awtoridad nang mabasang naka-post sa kaniyang Facebook ang isang babala. 

MAKI-BALITA: Mass shooting sa Leyte, napigilan dahil kay Sen. Bam—SILG Remulla