Inihayag sa publiko ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ang napigilang pagpaplano ng mass shooting sa paaralan sa Tolosa, Leyte, dahil daw sa tulong ni Sen. Bam Aquino.
Sa naging pahayag ni Remulla sa isinagawa niyang press conference nitong Huwebes, Hunyo 25, 2026, sinabi niyang tinawagan daw siya ni Aquino bandang 8:00 ng gabi noong Miyerkules, Hunyo 24, kaugnay sa nakarating na impormasyon sa senador na planong pamamaril at pananaksak ng isang estudyante sa Tolosa National High School.
“At 8:00 o’clock last night, Sen. Bam Aquino called me up and gave me a tip that there was chatter in Tacloban that there was an impending mass shooting that was about to occur,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “This report addresses the alleged threat at Tolosa National High School of Tolosa, Leyte. The suspect is accused of planning a mass shooting or stabbing aimed at the school students.”
Pagbabasa ni Remulla sa translated na post ng estudyante, nakasaad doon ang direktang pagbibigay ng bata ng babala sa mga mag-aaral sa Tolosa National High School sa plano niyang pamamaril at pananaksak sa loob ng nasabing paaralan.
“Pinost niya sa Facebook ito: ‘Hello. Send this to your friends. Yow, from Tolosa, prepare yourselves, especially you as you owe me. Get ready. I will disrupt the school. You won’t know me but you will recognize me. There is no time, no day, to be prepared for whoever gets shot or stabbed. We don’t care. Good luck to you at Tolosa National High School,’” pagbabahagi ni Remulla.
Dahil dito, agad umanong kumilos ang Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit (CIDG RFU) upang kumpirmahin at magsagawa ng intelligence gathering sa naturang post ng estudyante.
Ani Remulla, natunton ng mga awtoridad ang isang 14-anyos na Grade 10 student sa Tolosa National High School na nagngangalang Jasmine sa pamamagitan ng pag-aanalisa nila sa mga post sa social media na may kaugnayan sa naturang pagbabanta.
Sa kasalukuyan, deleted o nabura na umano ang naturang post ni Jasmine sa social media at tumanggi namang magbigay ng impormasyon sa mga awtoridad ang mga magulang ng bata.
“There was no incident pero sinabi niya, nag-post na siya na may mangyayari, noong nalaman namin, inaktuhan kaagad namin,” saad ni Remulla.
Pagpapatuloy niya, wala naman daw nakumpirmang pag-aari ng armas o baril ang pamilya ni Jasmine at posible raw na naimpluwensyahan ang bata sa naganap na school shooting sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Lunes, Hunyo 22.
“No evidence of an organized planner was found and neither Jasmine and her family had access to firearms. It is possible that she was influenced by the recent shooting at San Jose National High School,” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!
KAUGNAY NA BALITA: 'Napakabait ng apo ko!' Lola ng biktima sa school shootout sa Tacloban, itinangging bully apo niya