April 05, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Klarisse De Guzman, iniisyung buntis; sumagot!

Klarisse De Guzman, iniisyung buntis; sumagot!
Photo Courtesy: Klarisse De Guzman (FB)

Pinagsususpetsahan ng ilang netizens na nagdadalang-tao umano si dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate Klarisse De Guzman.

Sa X post kasi ni "AltBigLaude" kamakailan, nagbahagi siya ng blind item tungkol sa isang aktres na "preggy carter" umano.

"At dahil preggy nga ay postponed ang ginagawang comeback series! Nalulungkot ang buong staff and crew dahil sa development na ito malalagay sa alanganin ang kanilang mga trabaho!! Papalitan kaya ang aktres??? Hmmm," saad pa sa post.

Hula ng isang netizen, "Klarisse De Guzman."

“Tama si klang to,” segunda naman ng isa pa.

Tsika at Intriga

Mika Salamanca, Will Ashley magkasama sa Thailand

Kaya sa isang Facebook post ng Kapamilya Online World noong Lunes, Marso 30, inurirat nila si Klarisse para kumpirmahin o itanggi ang nasabing tsika.

Anila, “OMG!! Mowm Klarisse De Guzman totoo ba ba 'to? Buntis ka raw!!!"

“Not true. Kakabili ko lang ng with wings,” sagot ng dating PBB housemate.

Matatandaang bagama’t may jowa, si Klarisse ay isang bisexual. Isiniwalat niya ang tungkol dito sa loob ng Bahay ni Kuya noong Abril 2025.

MAKI-BALITA: Pag-amin ni Klarisse De Guzman: 'I'm not straight, I am bi!'