April 05, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Stop spreading hate!’ Donny sumaklolo kina Belle, Shuvee

‘Stop spreading hate!’ Donny sumaklolo kina Belle, Shuvee
Photo Courtesy: Shuvee Etrata, Donny Pangilinan, Belle Mariano (FB)

Ipinagtanggol ni Kapamilya star Donny Pangilinan sina Belle Mariano at Shuvee Etrata mula sa pamumutakti ng mga basher.

Sa serye ng X posts ni Donny noong Sabado, Marso 28, nanawagan siyang itigil ang pagpapakalat ng hate at pagkukumpara.

“I don’t usually speak up, but I think it’s about time we stop spreading hate and constantly comparing people. There are far more important things happening in our country,” saad ni Donny.

Ayon sa kaniya, tila nagiging komportable na raw ang marami sa pagbabato ng galit sa online world nang hindi isinasaalang-alang ang epekto nito sa ibang tao na wala namang ginagawang mali.

Dagdag pa ni Donny, “This is for all fandoms. Artists have lives, too. It’s gone below the belt. Why did we reach this point?”

Tsika at Intriga

Marian Rivera, posible bang mag-ober da bakod sa ABS-CBN?

Sinita niya rin ang mga basher na huwag idamay si Belle.

Aniya, “As for Belle, please keep her out of your narratives. She is beautiful, talented, and most importantly, has a great heart. Nothing you say or do will change that.”

“I told Shuvee the videos were going around out of shock, as I went to dinner at first thinking it was just going to be intimate and private. People forget we are all friends in this industry. Why do we keep pitting people against each other?” dugtong pa ng aktor.

Matatandaang nangyari umano ito matapos makatanggap ng batikos si Shuvee mula sa ilang DonBelle fans dahil sa lumutang na video.

Mapapanood sa nasabing video ang pagkikita nina Donny at Shuvee, dahilan para kiligin ang huli na tila hindi nagustuhan ng fans.