March 08, 2026

Home SHOWBIZ

‘17 years today:’ Maxene Magalona, muling inalala amang si Francis M. sa kaniyang death anniversary

‘17 years today:’ Maxene Magalona, muling inalala amang si Francis M. sa kaniyang death anniversary
Photo courtesy: Maxene Magalona (IG)

“Grief is just love with no place to go,” ito ang paunang mensahe ng aktres na si Maxene Magalona, sa 17th death anniversary ng amang si Francis M., nitong Biyernes, Marso 6. 

Makikita sa Instagram post ni Maxene ang ilang throwback photos niya kasama ang ama. 

Sa hiwalay pang post, ibinahagi ni Maxene ang isang black and white portrait nila ng ama na may quote ng life lesson niya mula rito. 

“He told me we are all equal, we are all the same, created in the image and likeness of God. It wasn’t just the words that he shared with me, it was also how he lived his life,” ani Maxene. 

“He was not perfect, but he was real, he was always authentic,” dagdag pa niya. 

Tsika at Intriga

Wala raw kadala-dala! Ai Ai Delas Alas, nagsalita sa isyung engaged na naman siya

Sa caption, ibinahagi ni Maxene na bagama’t 17 taon na ang nakararaan mula nang pumanaw si Francis M., bilang anak, ipinagpapatuloy pa rin niya ang legasiyang naiwan nito, kasama ang pagsasabuhay ng mga itinuro nitong aral sa buhay. 

“17 years today. Keeping your legacy alive here on earth by doing my best to embody the values you lived by,” bahagyang pagbabalik-tanaw ni Maxene. 

“I know love and peace because of you I love you forever, Pop! ,” dagdag pa niya. 

Si Francis M. o Francis Michael Durango Magalona ay kinilala rin bilang “King of Pinoy Rap” at “Master Rapper” dahil sa pagiging isa sa mga OPM icon na nagpasikat ng hip-hop at rap sa Pinoy mainstream music. 

Ang pinaka naging tatak ni Francis M. para sa marami ay ang paghahalo niya ng pop at rock, sa mga makabayang tema na tumatalakay sa ilang isyu sa lipunan tulad ng kahirapan at korapsyon. 

Ilan sa mga pinasikat niyang kanta ay ang “Mga Kababayan,” “Man from Manila,” Lando,” at “Ito ang Gusto Ko.” 

Si Francis M. ay pumanaw noong Marso 6, 2009 dahil sa acute myelogenous leukemia, sa edad na 44. 

Sean Antonio/BALITA