February 11, 2026

Home BALITA

Sen. Robin sa mga bata ngayon: ‘You are weak!’

Sen. Robin sa mga bata ngayon: ‘You are weak!’
Photo Courtesy: Robin Padilla (FB), via MB

Binengga ni Sen. Robin Padilla ang kasalukuyang henerasyon ng mga bata dahil sa pagiging mahina umano ng mga ito.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media nitong Miyerkules, Pebrero 11, ikinumpra ni Sen. Robin ang kabataan noong henerasyon niya sa mga kabataan ngayon.

“Siguro naman 'yong iba dito hindi ko man kaedad e naranasan n'yo 'yong panahon ng 90s at 80s na tayo ay naglalaro pa, masaya pa. [...] Ang mga bata po ngayon, sad to say, you are weak,” saad ni Sen. Robin.

Dagdag pa niya, “Hindi kayo katulad noong panahon namin na hindi kami iyakin. Natuto kami sa kalsada. Natuto kami na huwag umupo [at] umiyak.”

'Expected po 'yan!' Malacañang, nag-react sa paglagpak ng Pinas sa Corruption Perceptions Index 2025

Bukod dito, sinabi rin ni Padilla na hindi umano uso ang salitang “depression” noong panahon niya.

Aniya, “Hindi ko nga alam ‘yon, e, kung ano ‘yong depression. Ngayon, batang maliit sasabihin, ‘I’m depressed.’”

Sumentro ang pagdinig sa usapin ng pagsusulong sa limitasyon ng mga bata sa paggamit ng social media dahil sa umano’y mga panganib na dulot nito.

Ngunit ayon sa parent company ng Facebook na Meta, hindi pa umano napapanahon na i-ban sa mga menor de edad sa bansa ang paggamit ng social media.