January 24, 2026

Home BALITA National

Sen. Kiko, reunite kay Mayor Leni; isusulong Sagip Saka act sa Naga!

Sen. Kiko, reunite kay Mayor Leni; isusulong Sagip Saka act sa Naga!
Photo courtesy: Sen. Kiko Pangilinan (FB)

Muling nagkita ang dating magka-tandem sa national elections noong 2022 na sina Sen. Kiko Pangilinan at dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo upang itulak ang full implementation ng Sagip Saka Act sa Naga. 

Ayon sa mga ibinahaging larawan ni Pangilinan sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Enero 22, makikita ang pagpupulong nilang dalawa ni Robredo sa Naga City Hall. 

Ani Pangilinan, personal niyang binisita si Robredo upang isulong ang batas na Sagip Saka Act na magbibigay-daan sa gobyernong bumili ng mga produkto mula sa mga lokal na magsasaka at mangingisda nang hindi nangangailangan ng public bidding. 

“Bumisita tayo kay dating Vice President at ngayong Mayor Leni Robredo sa Naga City Hall para sa mas matibay na pagtutulak sa full implementation ng Sagip Saka Act—ang batas na nagbibigay-daan sa gobyerno na bumili ng agricultural products direkta mula sa mga magsasaka at mangingisda, nang hindi na kailangan ng public bidding,” mababasa sa caption ni Pangilinan. 

National

Higit 1M bata sa Mindanao at BARMM nabakunahan kontra tigdas, tigdas-hangin—DOH

Screenshot mula sa Facebook post ni Pangilinan.

Screenshot mula sa Facebook post ni Pangilinan. 

Pagpapatuloy ni Pangilinan, pinag-usapan daw nila ni Robredo kung paano mapapatupad ang nasabing batas sa Naga at mapapalakas ang suporta ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform at mga kooperatiba sa mga proyekto ng nasabing lokal na pamahalaan. 

“Bilang aking ka-tandem noong 2022 at katuwang sa pagtulong sa mga magsasaka at sa agrikultura, pinag-usapan namin ni Ma’am Leni ang mga hamon sa pagpapatupad ng batas at kung paano mas mapapalakas ang mga kooperatiba, pati na rin ang suporta ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform sa mga proyekto at advocacies ng lokal na pamahalaan,” aniya. 

“Dios mabalos sa mga Nagueños sa inyong patuloy na suporta! Patuloy tayong magsusulong ng mga programang magpapalakas sa kabuhayan ng ating mga magsasaka, magpapababa ng presyo ng pagkain, at magpapaigting sa seguridad sa pagkain sa bansa,” pagtatapos pa ng senador. 

MAKI-BALITA: Pangiilinan umapelang kumbinsihin si Robredo para tumakbo muling pangulo

MAKI-BALITA: 'We will never be a province of China!' Sen. Pangilinan, sumabat sa Chinese Embassy

Mc Vincent Mirabuna/Balita