Tahasang sinabi ng model-actress na si Ellen Adarna na “hubadera era” niya ang taong 2016.
Sa ibinahaging Instagram (IG) post ni Ellen noong Sabado, Enero 17, inamin niyang “young, wild, and free” siya noong mga taong iyon, sapagkat wala pa naman siyang mga responsibilidad ng mga panahong iyon.
“2016 was my hubadera era…i was young, wild and free. No respo[n]sibilites era…#noRAGRETS #yolo,” saad ni Ellen.
Photo courtesy: maria.elena.adarna/IG via Fashion Pulis
Sa kaniya namang IG story noon ding Sabado, Enero 17, ipinakita niya naman ang pagbabago sa kaniyang pananamit at ayos matapos ang sampung taon.
Photo courtesy: maria.elena.adarna/IG via Fashion Pulis
Sa hiwalay na story, inilahad niya ring kakaiba na ang pakiramdam niya ngayong 2026 kasama ang mga anak—bitbit ang kapayapaang ipinagdasal nila.
"My pride and joy. 2026 you already feel different… calmer, sweeter, full of laughter, tiny moments, and big love. Just me, my kids, and the peace we prayed for,” saad ni Ellen sa kaniyang story.
Photo courtesy: maria.elena.adarna/IG via Fashion Pulis
Trending ngayon ang “2026 is the new 2016,” kung saan ipinakikita ng isang indibidwal ang “highlights” ng kaniyang 2016—sa paraan ng pagpo-post ng kaniyang mga litrato noong taong iyon.
Dito rin ay ipinapakita ang naganap na pagbabago sa isang tao sa nakalipas na isang dekada.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Ano ang nauusong ‘2026 is the new 2016’ trend sa social media?-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA