January 24, 2026

Home BALITA

Hiling ni Sen. Imee sa Sto. Niño: 'Sana ginhawaan ang buong sambayanang Pilipino!'

Hiling ni Sen. Imee sa Sto. Niño: 'Sana ginhawaan ang buong sambayanang Pilipino!'
Photo courtesy: Senator Imee R. Marcos/FB


Ibinahagi ni Sen. Imee Marcos ang kaniyang hiling sa Santo Niño, kaugnay sa pista nito sa Tondo, Maynila ngayong Linggo, Enero 18.

Sa pahayag ni Sen. Imee sa media nito ring Linggo, Enero 18, sinabi niyang dulog niya sa Santo Niño ang kaginhawaan ng taumbayan.

“Sana ginhawaan ang buong sambayanang Pilipino—napakahirap ng buhay ngayon—sana medyo umangat nang kaunti lalo na ‘yong mga mahihirap,” saad ni Sen. Imee.

Giit pa niya, “Alam naman natin, mga kabataan, ayan, talagang minamahal ng Santo Niño na kapwa bata. So inaasahan ko na talagang mabendisyunan lahat ng ating kabataan at ang kanilang kinabukasan.”

Ibinunyag niya ring siya ay kinatawan ng kaniyang inang si dating First Lady Imelda Marcos, sa pagdalo niya sa Pista ng Santo Niño de Tondo.

“Ako po ay narito bilang kinatawan ng nanay ko—96 years old na po siya—panatikong Santo Niño ‘yon dahil Bisaya, taga-Leyte, kung saan pinagdiwang ang kauna-unahang misa sa Pilipinas,” anang mambabatas.

Internasyonal

12-anyos na lalaki, patay sa kagat ng pating!

“Kaya no’ng ninakaw ‘yong Santo Niño noon, noong nakaraan, 1970s, e talagang nag-iiyak ‘yong nanay ko at sangkatutak na kamalasan ang bumagsak sa Pilipinas: tatlong bagyo, binaha, kung anu-ano nangyari pati sunog,” aniya pa.

Kuwento pa ng senadora, pinaghiwa-hiwalay umano ang parte ng imahen, na siyang ibinenta at isinanla sa iba’t ibang antikan at “pawnshop.”

Ibinahagi niya rin kung gaano raw kasaya ang buong Tondo, lalo na ang kaniyang ina, noong nabuong muli ang naturang Santo Niño.

“Viva Pit Señor!” pagtatapos niya.

Ayon sa mga ulat, umabot na sa humigit-kumulang 7,500 na mga deboto ang dumalo sa taunang pista, na siyang isinasagawa tuwing ikatlong Linggo ng Enero.

Inaasahan pang madadagdagan ang mga makikilahok sa naturang selebrasyon.

Vincent Gutierrez/BALITA