Tila natanggal angas ng social media personality na si Rendon Labador nang hingan siya ng kiss ng isang "bading."
Sa isang Facebook post nitong Lunes, Enero 12, inupload ni Rendon ang isang video kung saan tinatanong niya si David Domanais, o mas kilala bilang "Tito Abdul," kung bading ba ito.
"Bakla ka ba talaga?" tanong ni Rendon kay Tito Abdul.
"Gusto mo malaman kung lalaki o bading ako?" balik-tanong ni Tito Abdul.
"De ano ngang ano..." sagot ni Rendon.
"Tinatanong nga kita gusto mong malaman?" paangas na sabi ni Tito Adbul.
"Oo! Para malaman ng mga tao kasi mahirap na nagpe-pretend ka e," sey naman ni Rendon.
"Sige. Kiss mo 'ko!" banat ni Tito Abdul na nagpatawa sa lahat at nagpatiklop kay Rendon.
"Oh alam mo na!" sey pa ni Tito Abdul sa kaniyang bading voice with matching pag-irap pa!
Bagama't kilala si Tito Abdul sa kaniyang gay character sa telebisyon, sa totoong buhay ay mayroon siyang non-showbiz girlfriend!
Mapapanood siya sa "Sanggang Dikit FR" ng GMA na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.