Natagpuan na ang nawawalang bride na si Sherra de Juan, ayon sa Quezon City Police District (QCPD) nitong Lunes, Disyembre 29.
Ayon sa QCPD, natagpuan si De Juan sa Ilocos Region at nakatakda na itong bumalik sa Maynila kasama ang pamilya nito bandang 5:00 p.m. ngayong araw.
Matatandaang pumukaw ng atensyon sa social media ang panawagan tungkol sa pagkawala ni De Juan noong araw ng kaniyang kasal noong Disyembre 14.
Maki-Balita: #BalitaExclusives: Babaeng ikakasal na sana, ilang araw nang nawawala; fiancé, umapela ng tulong
***Ito ay isang developing story