Nanawagan ang Ombudsman hinggil sa mga taong mayroon access sa computer ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral, na agad na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.
Sa press briefing ni Assistant Ombudsman Mico Clavano nitong Biyernes, Disyembre 19, 2025, nanawagan siyang ibigay na raw sa kanila ang kopya ng computer files ni Cabral.
“Reports has reached us na mayroon talaga siyang listahan sana ng mga tao na nag-insert ng mga project sa budget. Hindi pa natin nakikita itong listahan,” ani Clavano.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Listahan ng proponents ng DPWH insertions, nasa computer ni Cabral!’—Rep. Leandro Leviste
Saad pa ni Clavano, “For those who do have access sana sa kaniyang mga computers, whether for personal or work which may contain itong mga listahan na 'to, we urge them to come forward to these list. And give them the same dito sa Office of the Ombudsman.”
Paglilinaw pa niya, pinag-aaralan na rin daw nila ang posibleng cyber warrant upang mapasakamay ang nasabing mga umano’y listahan sa computer ni Cabral.
“Kailangan talaga applyan ng cyber warrant yung mga gnaiyan. These are contents that you find in a computer or a device that are subject to the rules of the application for cyber warrants. This would be the best time to move into the custody,” giit ng Ombudsman.
Aniya, “That is definitely something that we started to work on, lalo na ngayon we are verifying the death of Usec. Cabral.”
Matatandaang bandang 8:00 ng gabi noong Huwebes, Disyembre 18, natagpuang walang malay si Cabral sa naturang ilog na matapos mahulog umano sa bangin na tinatayang nasa 20 hanggang 30 metro ang lalim—at kalauna’y idineklara ang kaniyang pagpanaw.