Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang mensahe umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanilang mga tagasuporta.
Sa isang video na ibinahagi ng Facebook page na kilalang tagasuporta ng pamilya Duterte sa The Hague, Netherlands na Alvin and Tourism nitong Sabado, Disyembre 13, 2025, iginiit ni VP Sara na hindi raw namimilit ang kanilang pamilya na suportahan pa rin ng taumbayan.
“From President Duterte, meron siyang message kanina para sa inyong lahat. Nandidito kami. Meaning siya, ako, yung iba pang mga kapamilya namin. Nandito kami so as long as gusto pa kami ng tao,” ani VP Sara.
Pahabol pa niya, “Sabi niya, hindi kami mamimilit kung ano yung gusto ng taumbayan.”
Kaugnay nito, pinuri din niya ang mga tagasuporta na tila alam daw kung paano kikilatisin ang mga tirada na pawang paninira lamang daw at kung ano ang katotohanan.
Nagpahayag din siya ng pasasalamat para sa mga tagasuporta na patuloy pa rin ang paniniwala sa kaniya.
“I thank you for your continued support. I am truly blessed as a politician, kasi kahit anong paninira ng mga kalaban sa akin, nandiyan pa rin yung taumbayan,” ani VP Sara.
And then you know how to discern ano yung paninira at ano yung katotohanan. And for that, I am truly blessed,” anang Panagalawang Pangulo.
Maki-Balita: 'Wag magpadala sa paninira!' VP Sara, hinikayat maging mapanuri mga Pilipino