Dalawang pulis ang nasawi sa isang insidente ng pamamaril sa tanggapan ng Provincial Explosive Ordnance Disposal (EOD) at Canine Unit sa Bangued, Abra noong Nobyembre 10, 2025, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules, Nobyembre 12.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño, ang suspek ay isang police lieutenant.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pinaghinalaan ng suspek na nagsumbong umano sa kanilang superiors ang dalawang biktima, hinggil sa pag-duty daw niya nang lasing.
Nangyari ang krimen nang paputukan ng suspek ang isang police staff sergeant habang siya ay nagsisipilyo. Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala ng baril sa katawan.
Nang marinig ng isa pang kasamahan na isang police senior master sergeant ang mga putok, agad itong nagtungo sa pinangyarihan ng insidente upang alamin ang nangyari, ngunit binaril din siya ng suspek.
Gumanti ng putok ang senior master sergeant at tinamaan ang suspek.
Dinala sa ospital ang biktima at suspek, ngunit parehong idineklarang dead on arrival.
Samantala, ang police senior master sergeant na bumaril sa lieutenant na ssupek ay agad na sumuko sa mga awtoridad, ayon kay Tuaño.
Inihahanda na laban sa kaniya ang kasong murder, dagdag pa ng opisyal.