March 15, 2026

Home BALITA Probinsya

Helicopter bumagsak sa Pililla, Rizal; 2 sa 5 sakay, patay!

Helicopter bumagsak sa Pililla, Rizal; 2 sa 5 sakay, patay!
Photo courtesy: Mayor John Masinsin via MB

Isang civilian helicopter ang naitalang bumagsak sa probinsya ng Rizal nitong umaga ng Martes, Marso 3, 2026. 

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Martes, bumagsak ang nasabing helicopter sa Upper Barak, Barangay Quisao, Pililla, Rizal. 

Nilinaw sa publiko ni Pililla Mayor John Masinsin, lima umano ang sakay ng bumagsak na panghimpapawid na sasakyan. 

Agad naman umanong nadala ang lulan nitong mga pasahero sa Rizal Provincial Hospital sa Morong para sa medical treatment. 

Kaugnay nito, ayon sa bagong ulat ng GMA News, dalawa na ang naitalang nasawi sa limang naiulat na sakay ng bumagsak na helicopter. 

Probinsya

Rider na nawalan ng balanse, nagulungan ng truck!

Samantala, hindi pa tukoy ang dahilan ng pagbagsak ng naturang helicopter ang pagkakakilanlan ng mga sakay nito. 

Ito ay isang developing story. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita