March 17, 2026

Home BALITA

Senado, nakaantabay sa pangangailangan ng mga Pinoy sa Middle East—SP Sotto

Senado, nakaantabay sa pangangailangan ng mga Pinoy sa Middle East—SP Sotto
Photo Courtesy: Tito Sotto (FB), via MB

Nagbigay ng mensahe si Senate President Tito Sotto para sa mga Pilipinong nasa iba’t ibang dako ng mundo.

Sa isang Facebook post ni Sotto nitong Martes, Marso 3, nanawagan siya ng pagkalma, disiplina, at pagkakaisa.

“​I speak to you today not to alarm you, but to appeal for calm, discipline, and unity,” saad ni Sotto.

“Ang inyong Senado ay nakaantabay sa anumang pangangailangan para sa paglikha ng ating kababayan mula sa Middle East,” pagpapatuloy niya. “Kagaya noong pandemya, handa ang Senado na tugunan ang hamon na dala ng sitwasyon na ito.”

Samantala, pinayuhan naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipinong nasa apektadong bansa na magtago muna sa mga bomb shelter.

Tauhan ng MMDA, patay matapos makuryente sa live wire!

“Ang advice na binibigay natin sa ating mga kababayan ay maghanap ng safe place at doon muna kayo. You stay there, stay indoors. And stay away from areas of danger,” anang Pangulo sa press briefing nito ring Martes, Marso 3. 

Sa kabila nito, tiniyak niya na aabot pa sa humigit-kumulang 50 hanggang 60 araw ang suplay ng langis sa Pilipinas.

Maki-Balita: ‘Hindi ito madaling gawin!’ Marcos Jr., pinayuhan OFWs magtago muna sa bomb shelters