March 17, 2026

Home BALITA Metro

Amain, tiklo matapos gahasain, abusuhin 13-anyos niyang stepdaughter

Amain, tiklo matapos gahasain, abusuhin 13-anyos niyang stepdaughter
Photo courtesy: Pexels


Timbog ang isang 35 taong gulang na lalaki sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad kamakailan, matapos umano nitong halayin at abusuhin ang kaniyang 13-anyos na stepdaughter nang paulit-ulit.

Naaresto ng mga operatiba ng Barangka Police Sub-Station 2, sa harap ng Monasterio De Saint Claire Church, Barangay Katipunan, Quezon City ang suspek, na nakatala bilang No. 2 Most Wanted Person (MWP).

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ginahasa at inabuso umano ng suspek ang kaniyang stepdaughter mula Hunyo 2024 hanggang Mayo 2025, mismo sa kanilang lugar sa Barangay Barangka, Marikina City.

Nang mapag-alaman ito ng tiyuhin ng biktima, agad nitong iniulat sa awtoridad ang insidente—na naging dahilan upang makasuhan ang suspek.

Nasakote ang naturang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 168 ng Marikina City na si Hon. Dibba Cher A. Dela Cruz noong Enero 27, 2026.

Metro

'Service interruption' ng LRT-2 inilatag na sa paghahanda sa Semana Santa



Humaharap siya sa limang counts ng sexual assault “under Article 266-A(2) of the Revised Penal Code (RPC) in relation to Section 5(B) of Republic Act 7610,” na may inirerekomendang piyansang aabot sa ₱200,000 kada bilang.

Bitbit din niya ang reklamong qualified rape of a minor “under Article 266-A paragraph 1(d) in relation to Article 266-B of the RPC,” na walang inirerekomendang piyansa.

Sinampahan din siya ng tatlong counts ng acts of lasciviousness “under Article 336 of the RPC in relation to Section 5(B) of RA 7610,” na may inirerekomendang piyansa na aabot naman sa ₱180,000 kada bilang.

Sa kasalukuyan, nakapiit na ang suspek sa custodial facility ng Marikina City Police Station.

Vincent Gutierrez/BALITA