December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Mr. M umexit na sa GMA; nakatakdang pumirma ng kontrata sa TV5?

Mr. M umexit na sa GMA; nakatakdang pumirma ng kontrata sa TV5?
Photo Courtesy: via MB, ABS-CBN News, TV5 (FB)

Umalis na umano si dating Star Magic emeritus-Starmaker Johnny "Mr. M" Manahan sa GMA Network matapos niyang maging consultant sa Sparkle GMA Artist Center.

Sa ulat ng Philippine Enteratainment Portal (PEP) nitong Lunes, Nobyembre 3, kinumpirma nilang wala na raw sa nasabing TV network si Mr. M.

Ngunit nakatakda umano siyang pumirma ng kontrata sa TV5 sa darating na Huwebes, Nobyembre 6.

Bagama’t bigo ang PEP na masagap kung anong klaseng trabaho ang hahawakan ni Mr. M sa TV 5, alam daw nilang kasalukuyang umeere ang show na “Vibe,” isang music countdown na siya mismo ang nagdidirek.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Hindi tuloy naiwasang mabuo ang espekulasyon na si Mr. M ang dahilan ng paglipat ni dating Kapamilya actress Andrea Brillantes sa Kapatid network.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pahayag o reaksiyon si Mr. M para pabulaanan o patunayan ang nasabing tsika.

Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.

Kaugnay na Balita: Hindi Kapuso: Andrea Brillantes, certified Kapatid na!

Samantala, hindi naman ito ang unang beses na gumawa ng proyekto sa TV5 si Mr. M. Matatandaang idinerek niya  ang “Sunday Noontime Live!” na umere sa nasabing network mula Oktubre 2020 hanggang Enero 2021.