December 13, 2025

Home BALITA

Sen. Bong Go, malinis ang konsensya sa kaso ng pandarambong

Sen. Bong Go, malinis ang konsensya sa kaso ng pandarambong
Photo Courtesy: Bong Go (FB), via MB

Malinis umano ang konsensiya ni Senador Bong Go kaugnay sa plunder case na isinampa sa kaniya ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV.

Sa isinagawang press briefing nitong Martes, Oktubre 21, sinabi ni Go na ang ginawa ni Trillanes ay isa nang lumang tugtugin mula sa lumang script.

“Recycled na po ‘yong mga isyu. Pilit binubuhay para mapinturahan ako ng maitim para siya [Trillanes] po ang magmukhang maputi,” saad ni Go.

Dagdag pa niya, “My conscience is clear. Unlike him. Panlabas o panloob, pati konsensya niya madumi. Ang layunin niya ay proteksyunan lang po ang kaniyang mga financer at mga nasa likod ng black propaganda na ito.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ayon sa senador, ang mga financer umano ang dapat kasuhan dahil ito ang mga totoong nagnakaw.

Matatandaang kinasuhan ni Trillanes si Go dahil sa bilyong pisong infrastructure project na ignawad sa CLTG Builders at Alfrego Builders na pag-aari mismo ng ama at kapatid ng senador.

Ang relasyon umano ni Go sa dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsilbing daan upang maibigay sa dalawang binanggit na construction firm ang proyektong nagkakahalaga ng ₱7 bilyon.

Maki-Balita: Sonny Trillanes kinasuhan ng plunder si FPRRD, Bong Go, 2 iba pa