Bagama't parehong sumadsad sa approval ratings, tila mas tiwala ang mga Pinoy kay Vice President Sara Duterte kaysa kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., ayon sa latest survey ng Pulse Asia.
Sa September 2025 survey na inilabas ng Pulse Asia noong Huwebes, Oktubre 16, nakakuha si Marcos ng 34%, kung saan ito ay bumaba ng 5% mula sa kaniyang 39% noong June 2025.
Habang si Duterte ay nakakuha ng 56%, tumaas ito ng 2% kumpara sa 54% noon ding June 2025.
Sa Luzon, nakakuha si Marcos ng 54% trust rating ngunit mababa sa Visayas na 21% at sa Mindanao na 3%.
Tila kabaliktaran ang naging datos ni Duterte na nakakuha lamang ng 39% trust rating sa Luzon, habang 60% sa Visayas at 96% sa Mindanao.
APPROVAL RATINGS
Parehong sumadsad ang approval ratings nina Marcos at Duterte sa parehong survey ng Pulse Asia.
Nakakuha si Marcos ng 33% kung saan ito ay bumaba ng 9% mula sa 42% niya noong June 2025.
Habang si Duterte naman ay nakakuha ng 55% na bumaba ng 4% mula sa 59% noon din June 2025.
Samantala, isinagawa ang survey noong Setyembre 27-30, 2025 sa 1,200 respondents na may edad 18 anyos pataas.
Ang nasabing survey ay may ± 2.8 percent margin of error.