Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang tsunami threat sa bansa, kasabay ang pagyanig ng magnitude 6.7 na lindol sa Papua, Indonesia, nitong Huwebes, Oktubre 16, dakong 1:48 ng hapon.
Ibinahagi ng Phivolcs sa kanilang Facebook post nitong Huwebes, Oktubre 16, ang isang dokumentong naglalaman sa isinagawang evaluation sa nasabing lindol.
“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” anang Phivolvs.
Wala rin silang inirerekomendang aksyon ukol dito.
Photo courtesy: Phivolcs
Matatandaang kamakailan ay itinaas sa ilang mga probinsya sa Visayas at Mindanao ang isang tsunami warning, kasunod ang nanalasang 7.4 na lindol sa Manay, Davao Oriental, na agad ring nilang kinansela.
KAUGNAY NA BALITA: Tsunami warning, itinaas sa 7 lalawigan sa Visayas at Mindanao-Balita
KAUGNAY NA BALITA: Tsunami warning sa 7 probinsya sa VisMin, kanselado na!-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA